Una sa Balita

Horoscope 07/25/2018

0 243

ARIES (March 21-April 19) – Hindi makakatulong ang pananahimik lalo na kung may kinalaman ito sa isang relasyon. Hindi ka puwedeng manatiling nanghuhula sa kanyang gustong sabihin at hindi ka rin puwedeng laging naghihintay. Ikaw na ang unang gumawa ng paraan para maresolba ang katahimikang ito. Lucky number for today: 1.

TAURUS (April 20-May 20) – Kung iniisip mong kailangang maghintay ka na lamang, manood at mag-abang ng resulta, mag-isip ka muli. May magagawa ka para impluwensyahan ang nangyayari at makuha ang resultang gusto mo. Gawin ito habang maaga. Lucky number for today: 58.

GEMINI (May 21-June 20) – Mahaharap ka ngayon sa dalawang opsyon: ang magsalita o manahimik. Kung patuloy kang mananahimik, tulu­yang mawawala sa kamay mo ang kontrol. Ngayon pa lamang, linawin kung saan dapat nakapuwesto ang lahat. Lucky number for today: 52.

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Honesty is the best policy, sa lahat ng pagkakataon ay ito ang dapat manaig. Maaari namang hindi kasinungalingan ang sinasabi sa iyo o kaya ay sinasabi mo pero kung half-truths naman ito ay hindi pa rin uubra. Lucky number for today: 17.

LEO (July 23-August 22) – May pagkakataong kailangan ang mabilisang desisyon at ginagawa mo ito kahit ano ang sabihin ng ibang tao. Kung may kailangang pagpaliwanagan, ito’y dapat lamang gawin sa importanteng tao sa buhay mo at hindi sa lahat ng tagamasid lamang. Lucky number for today: 19.

VIRGO (August 23- September 22) – Maa­aring makabangga mo o makadiskusyon ang isang mas nakakataas sa iyo ng posisyon. Sa usapin kung tradisyunal o makabagong approach ang karapat-dapat, sa pagkakataong ito ay mas dapat panigan ang tradisyunal. Hindi ito ang oras para makipagsapalaran. Lucky number for today: 53.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Nahihirapan ka na sa pabago-bagong emosyon ng isang partikular na indi­biduwal. Kung kailangan ng komprontasyon para magkalinawan, gawin ito. Iwasan lamang na unahin ang init ng ulo para mas magkaintindihan. Lucky number for today: 37.

SCORPIO (October 23- November 21) – Mas prayoridad ngayon ang isyung may kinalaman sa loob ng bahay. Dito ka muna magpokus bago tuluyang mawala sa iyong kontrol ang isang maselang sitwasyon. Lucky number for today: 51.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Nasa gitna ka ngayon ng kaabalahan at importante ang bawat sandali. Maa­aring may isang taong gustong makipagkonek sa iyo subalit hindi mo siya mapag-uukulan ng kinakailangang atensyon habang hindi natatapos ang isang importanteng obligasyon. Lucky number for today: 17.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa ngayon, mahirap kunin ang pang-unawa ng lahat. Sa mga susunod na araw, ganap ka nilang mauuna­waan at matatanggap nila ang lahat ng mga naging aksyon mo. Sa ngayon, hayaan mo na lamang muna silang maghintay. Lucky number for today: 25.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ilagay mo ang sarili mo sa posisyon ng ibang tao at mas ganap mo silang maiintindihan. Maraming mga nangyayari na hindi sinasabi sa iyo. Dagdagan pa ang pagmamatyag. Lucky number for today: 7.

PISCES (February 19-March 20) – Sa halip na magkumpiyansa at agad burahin ang mga pangamba, sa pagkakataong ito ay mas paborableng pag-isipan muna ang mga nararamdaman. Posibleng isa sa mga ito ang dapat mong pag-aralan nang husto habang may panahon pa para makagawa ng pagbabago. Lucky number for today: 50.