Una sa Balita

Horoscope 07/24/2018

0 224

ARIES (March 21-April 19) – Importanteng magkaroon ng magandang imahe sa paningin ng iba pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay maitatago ang mga negatibong pangyayari. ‘Wag masyadong magpokus sa sinasabi ng iba. Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) – Sa pagkakataong ito, kailangan mong ibuhos ang effort mo at ‘wag mag-isip ng mga negatibo. Do your best dahil anuman ang maging resulta, at least kumpiyansa kang ginawa mo ang lahat ng kaya mo. Lucky number for today: 25

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi masamang umatras ng ilang hakbang paminsan-minsan. Hindi ito nangangahulugan ng pagsuko sa halip ay pagbibigay lamang sa sarili mo na mas makapag-isip sa mga nangyayari. Lucky number for today: 18

CANCER (June 21-July 22) – Maraming paraan para maibigay ang suporta mo sa isang tao. Pero maaaring makaranas ng ilang hadlang sa mga plano mo. Kung naibigay mo na ang lahat, hindi masamang dumistansiya sa sitwasyon. 32

LEO (July 23-August 22) – Sa halip na magpokus sa mala­laking bagay, bigyan din ng atensyon ang mga maliliit na isyu. Dito nag-uumpisa ang malalaking aberya. ­Agapan na ang mga ito bago maging ma­laking problema. Lucky number for today: 27
VIRGO (August 23-September 22) – May isang trabahong ibibigay sa iyo at wala kang mararamdamang inspirasyon para gawin ito. Pero sa halip na kumontra, kailangan mong makiayon muna sa agos ng mga pangyayari. 16

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mahirap magrelaks kung alam mong maraming mata ang nakatutok sa iyo. Manatiling nakapokus at ‘wag magpadala sa takot. Ituring itong hamon na kailangang lagpasan. Lucky number for today: 44

SCORPIO (October 23-November 21) – May kalituhan ngayon sa iyong paligid. Maari ka ring makaramdam ng pangamba. Pero sa gitna ng lahat ng ito, lulutang kung sino ang tunay mong tagasuporta. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mas malaki ang magagawa mo kung magtitiwala ka lamang sa sarili mong kakayahan. Huwag ikumpara ang sarili sa ibang mas successful na tao dahil lagi ka lamang makakaramdam na marami kang kakulangan. Lucky number for today: 32

CAPRICORN (December 22-January 19) – May isang taong hindi mo dating gusto pero ngayon ay napapalapit na sa iyo. Kung isang bagong romansa ang mabubuo, nasa iyong kamay ang paraan. Lucky number for today: 39

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi makakatulong kung madali kang mauubusan ng pasensya­ at mauunahan ng pagkainip. Sa pagkaka­taong ito, magpalipas muna ng ilang araw bago gumawa ng anumang pagbabago. Lucky number for today: 21

PISCES (February 19-March 20) – Iwasang maging masyadong kritiko sa iyong sarili. Hindi maiiwasan ang mga pagkakamali. Ang kailangan mo lamang gawin ay sika­ping hindi na ito maulit pa. Lucky number for today: 33