Una sa Balita

Horoscope 07/23/19

0 240

Happy birthday DANIEL RADCLIFE

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang makabangga ang isang taong malapit sa iyo. Kontrolin ang mga komento mo sa kanya. Mahihirapan kang ibalik sa dati ang lahat. Lucky number for today: 15

TAURUS (April 20-May 20) – Maaring makabangga mo ang isang kasama sa bahay o maaring sa trabaho. Wag mong hayaang mawala sa iyong kontrol ang sitwasyon. Makabubuting diplomasya ang pairalin sa araw na ito. Lucky number for today: 44

GEMINI (May 21-June20) – Kung may isang taong mag-alok sa iyo ng magandang offer, alamin mo muna ang hihingin niyang kapalit. Maari kang malagay sa alanganing sitwasyon kung agad-agad kang magdedesisyon. Lucky number for today: 40

CANCER (June 21-July 22) – Kung ayaw gumawa ng tama ng ilang tao sa harapan, hindi ito lisensya para gawin mo na rin ang mali. Makabubuting ikaw ang maging huwaran sa kanila. Wag isakripisyo ang iyong mga prinsipyo. Lucky number for today: 53

LEO (July 23-August 22) – Kung may dapat isara sa isang bahagi ng iyong nakaraan, gawin ito. Hindi puwedeng manatili kang apektado ng kahapon. Magpokus sa ngayon at sa mga susunod pang araw. Lucky number for today: 26
VIRGO (August 23-September 22) – Nagdudulot ng stress ang ilang tao sa paligid mo na tila sinasadyang ma-ging pabigat. Wag na lamang silang patulan. Mas lalong tatagal ang p­roseso kung pipilitin mo silang makiayon sa mga plano mo. Lucky number for today: 31

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mahihirapan kang masunod ngayon. Maraming kagustuhan mo ang tila sinasadyang kontrahin at hadlangan ng ilang indibidwal sa iyong paligid. Habaan na lamang ang pasensya. Lucky number for today: 2

SCORPIO (October 23-November 21) – Tingnang mabuti ang lahat ng mga detalye lalo na ang mga maliliit na kadalasang hindi mo na nabibigyang pansin. Maaring pagmulan ang mga ito ng malaking aberya. Lucky number for today: 3
SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Anuman ang ginagawa mo, k­ailangang pansamantalang huminto at hayaang lumipas ang araw na ito. Nakaumang ang malaking pagkakamali at mahihirapan kang itama ito. Lucky number for today: 15

CAPRICORN (December 22-January 19) – Determinado kang patunayan ang iyong kakayahan sa isang partikular na indibidwal. Pinapaboran ang mga bagong romansa kaya ihanda ang sarili kung ikaw ay single at naghahanap pa lamang. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Wag pahirapan ang sa-rili sa sobrang pag-aalala. Anumang ginagawa mo ay magkakaroon ng positibong resulta. Umiwas sa anumang uri ng stress. Lucky number for today: 20

PISCES (February 19-March 20) – Hindi masamang marami kang nakalistang target pero tiyaking makatotohanan pa rin ang lahat ng gagawin ito. Hindi puwedeng habambuhay ka na lamang naghahabol na maabot ang mga target mo. Lucky number for today: 14

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy