Una sa Balita

Horoscope 07/22/2018

0 346

ARIES (March 21-April 19) – Ang iyong positibong pana­naw ang mas hinaha­ngaan ng ibang tao lalo na n g mga kapareho mo ng interes. Mas makakatanggap ka ngayon ng pagkilala. Nakikita rin nila na ginagawa mo ang lahat hindi para sa anumang pagpuri kundi ito ang pinaniniwalaan mo. Lucky number for today: 7

TAURUS (April 20-May 20) – Ang iyong excitement na ipinakikita sa trabaho o anumang proyekto ay napapansin ng ibang tao. Magandang halimbawa ang ipinapakita mo. Importante ang pagpopokus para makuha mo na ang inaasanam na tagumpay. Lucky number for today: 9

GEMINI (May 21-June 20) – Maraming hamon ang araw na ito. Pero dito ka mas ginaganahan. Isang bagong impormasyon ang magiging daan para mas maliwanagan ka sa isang sensitibong sitwasyon. Lucky number for today: 39

CANCER (June 21-July 22) – Pakiramdam mo ngayon ay tila sa iyo na lamang itinatambak na lahat ang mga res­ponsibilidad. Masyado itong nakakabigat sa iyong balikat. Sa gitna ng kaabalahang hatid nito, unahin ang mga personal mong prayoridad. Lucky number for today: 51

LEO (July 23-August 22) – Maaaring magpabago-bago ka ng isip sa araw na ito. Kung noong una ay pursigido ka sa isang bagay, puwedeng makaramdam ng pagsasawa. Maaari ring maapektuhan sa mood na ito ang iyong mahal. Lucky number for today: 17

VIRGO (August 23- September 22) – May kailangan kang unawain sa araw na ito. Isang bagong leksyon ang dapat mong pagdaanan. Sa sandaling malagpasan ito, mas magiging madali na ang lahat at makukuha mo ang gusto mong benepisyo. Lucky number for today: 38

LIBRA (September 23- October 22) – Kakailanganin mo ngayon ng suporta ng iyong pamilya. May isang obligasyon na kailangang mong gawin at mahihirapan kang kayanin itong mag-isa. ‘Wag magpaka­bayani at lunukin ang pride para meron kang makatulong. Lucky number for today: 5

SCORPIO (Octobe­r 23-November 21) – Kahit gaano ka-successful ang tingin sa iyo ng iba, meron kang nararamdamang pagkabagot. Hindi masamang lumabas sa iyong comfort para mawala ang ganitong pakiramdam. Kailangan mo ng mga bagong hamon sa buhay. Lucky number for today: 15

SAGITTARIUS (Novem­ber 22-December 21) – Ang iyong comfort zone ay mas nakakahadlang ngayon kesa makatulong. Kaila­ngan mo munang lumabas dito at humanap ng bagong oportunidad. May isang pakikipag-usap na kailangang gawin sa pagitan mo at ng isang taong mahalaga sa puso mo. Lucky number for today: 12

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maaaring hindi ka nakakaramdam ng problemang pinansyal. Pero kung magpapatuloy ang hindi kontroladong paggastos, maaari kang magkaroon ng problema sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 23

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nasa isang magandang posisyon ka kung saan mabilis ang pagdating ng iba’t ibang oportunidad. May bagong hamon din na hatid ang mga ito. Kailangan mong mabilisang magdesisyon upang walang makalagpas. Lucky number for today: 50

PISCES (February 19-March 20) – Mas madali kang ma-inlove sa araw na ito. Ang tanong lamang ay kung ganito rin ang totoong nararamdaman ng taong pinag-iinteresan mo. Bago tuluyang hayaang mahulog ang iyong loob, alamin muna kung mutual ang nararamdaman. Lucky number for today: 56