Una sa Balita

Horoscope 07/22/19

0 223

ARIES (March 21-April 19) – Labanan ng mga ego ang nangyayari. Maari kang maipit sa gitna ng dalawang taong parehong malapit sa puso mo. Mas piliin ang pagdistansya at hayaan silang resolbahin ang kanilang mga isyu. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – Maari mong makabangga ngayon ang isang taong matagal mo nang ka-kontrapelo. Hindi ka dapat umatras lalo na kung alam mong ikaw ang nasa tama. Lucky number for today: 29

GEMINI (May 21-June20) – Mapapasabak ka sa isang taong mahirap talagang tumanggap ng katotohanan at katuwiran. Wag nang aksayahin ang oras sa taong ito. Pinakamainam na gawin ang pag-iwas at wag nang bumaba sa kanyang lebel. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Mag-ingat sa lahat ng lumalabas sa iyong bibig. Hindi pinapaboran ngayon ang aspeto ng iyong pakiki-pagkomunikasyon. Kung hindi ka magkokontrol, posibleng kailanganin mong bawiin ang iyong sinabi sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 38

LEO (July 23-August 22) – Ang mga sina-sabi sa iyo ay ang gusto mong marinig at hindi ang mensaheng kailangan mong marinig. M­aging alerto dahil marami sa mga kaharap mo ay hindi nagpapakatotoo. Lucky number for today: 58

VIRGO (August 23- September 22) – Inaakala mong kailangan mong agad i-grab ang isang nabuksang oportunidad. Pero may kailangan kang pag-isipan at ikonsidera. Palipasin muna ang araw na ito bago tuluyang magdesisyon. Lucky number for today: 57

LIBRA (September 23- October 22) – Kumpiyansa kang makukuha mo ang tagumpay pero hindi kumbinsido ang mga tao sa paligid mo. Kailangan mong kumbinsihin ang mga mahahalagang tao sa buhay mo para matiyak ang kanilang suporta. Lucky number for today: 42

SCORPIO (October 23- November 21) – Hindi lahat ay susuporta sa iyong ambisyon. Marami ang kokontra kahit kaibigan o kapamilya. Wag nang intindihin ang oposisyon dahil panahon ang magpapatunay kung ano ang tama. Lucky number for today: 47

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Doblehin ang pag-iingat pagdating sa isyu ng pera at pagnene-gosyo. Nakakasilaw ang mga malalaking ideyang pumapasok sa iyong isip. Maari ka ring makagawa ng malaking pagkakamali. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang taong malapit sa iyo ang maaaring makasakit sa damdamin mo o sa iyong pride. Hindi lahat ng taong itinuturing na kaibigan ay mapagkakatiwalaan kaya maging alerto. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung mananaig ang iyong ambisyon, maaa-ring may pagsisihan ka sa mga susunod na araw. Kapag mas matayog ang lipad, mas malakas ang lagapak kaya tiyaking konektado ka pa rin sa kinatatayuan mo. Lucky number for today: 27

PISCES (February 19-March 20) – Kung may pagkakamaling magawa ngayon, dalawang bagay lamang ang puwedeng mangyari. Ito’y ang sisihin ang iba o angkinin ang pagkakamali at itama ito. Wag nang mag-aksaya ng panahon. Lucky number for today: 8

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy