Una sa Balita

Horoscope 07/21/19

0 303

ARIES (March 21-April 19) – Mas emosyunal ngayon ang takbo ng iyong lovelife. May mga personal na isyung kailangan munang ibukas sa isa’t isa at ayusin. Gawin ang lahat para unawain ang iyong partner. Lucky number for today: 10

TAURUS (April 20-May 20) – Nakadepende ang lahat sa iyong attitude para malagpasan ang hamon na hatid ng araw na ito. Manatiling positibo at ‘wag paapekto sa mga naririnig na negatibong komento. Magtiwala sa iyong sari­ling kakayahan, deserve mo ang magtagumpay. Lucky number for today: 25

GEMINI (May 21-June 20) – Kalimutan na ang pagkakamaling nangyari sa nakaraan. Magpokus sa kung ano ang magagawa mo pa para sa iyong hinaharap. Malaki ang potensyal na tagumpay basta determinado ka. Lucky number for today: 20

CANCER (June 21-July 22) – Maaari kang maipit sa isang masalimuot na sitwasyon kung hahayaan mo ang sarili na masyadong ma-involved sa isyu ng isang malapit na kaibigan. Ipakita ang iyong suporta pero kailangang may sapat na distansya. Lucky number for today: 15

LEO (July 23-August 22) – Inspirado ka ngayon ng iyong ambisyon at ito ang gumagabay sa bawat pagdedesisyon mo. Laging paalalahanan ang iyong sarili ng mga magagandang bagay na mangyayari kapag nakamit ang iyong goals. Lucky number for today: 40

VIRGO (August 23-September 22) – Kung nararamdaman mong nagiging pabigat na sa buhay mo ang presensya ng isang partikular na indibidwal, ngayon ang tamang pagkakataon para umpisahang dumistansya. Maging maingat lamang sa mga bibitawang salita. Lucky number for today: 51

LIBRA (September 23-October 22) – Bumibilis ang takbo ng mga pangyayari pero sa perso­nal na aspeto ng iyong buhay, kakailanganin mong magrelaks at maghinay-hinay. Pag-aralan ang mga nangyayari at tanungin kung ito ang tunay mong kagustuhan. Lucky number for today: 46

SCORPIO (October 23-November 21) – Nasa long-term na goals sa buhay ang pokus ng araw na ito. ‘Wag lang masyadong mag-ubos ng oras sa pagpaplano dahil oras na para umpisahan ang aksyon. Lucky number for today: 39

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Pinapaboran ka ng suwerte ngayon pero may pangambang nararamdaman at nananaig ang takot na magkamali. Pili­ting maging positibo ang pananaw at manalig sa iyong kakayahan tulad ng paniniwala sa iyo ng mga taong laging nagbibigay ng suporta. Lucky number for today: 6

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung gusto mong mauna sa karera, ngayon ang araw para umaksyon. Habang nagkokonsidera pa ng kani-kanilang opsyon ang iyong mga karibal, ngayon ang pagkakataon mo para makaungos. Umiwas muna sa anumang distraksyon. Lucky number for today: 35

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nakikiayon sa iyo ngayon ang kapalaran. Pero kailangan mo munang tiyakin sa sarili mo kung kaya mo nang iwan ang iyong komportableng posisyon para tumahak sa bagong direksyon. Lucky number for today: 1

PISCES (February 19-March 20) – Mara­ming tao ang may kanya-kanyang opinyon sa mga nangyayari sa iyo. Bagama’t sa pandinig mo ay sinsero sila, ilan ay gusto lang talagang makisawsaw sa iyong personal na buhay. Tandaang ikaw lamang ang puwedeng magdesisyon dahil tanging ikaw ang apektado. Lucky number for today: 40

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy