Una sa Balita

Horoscope 07/20/19

0 317

ARIES (March 21-April 19) – Kahit nasa trabaho at career ang iyong konsentrasyon, huwag kaligtaan ang iyong mga mahal sa buhay. Bigyan din ng sapat na oras ang iyong pamilya lalo na ang iyong partner na may malaking maitutulong sa iyong mga plano. Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) – Pinapaboran ang mga pagbibiyahe. ‘Wag sayangin ang oras sa pagmumukmok sa loob ng bahay. Ang oportunidad ay nasa labas, ‘wag itong saya­ngin. Lucky number for today: 19

GEMINI (May 21-June 20) – May oportunidad ngayon para ma-improve mo ang iyong sarili at magpokus sa direksyong talagang gusto mo. Umpisahan na ang pagbabago at ga­wing makatotohanan ang isang matagal nang pangarap. Lucky number for today: 7

CANCER (June 21-July 22) – Walang masama sa pangarap. Anumang tutukan mo ng atensyon ay maaring maging reyalidad sa hinaharap. Maaaring may mga kontra sa paligid subalit hindi sila ang dapat masunod. Lucky number for today: Lucky number for today: 13

LEO (July 23-August 22) – Hindi ka masaya sa mga pagbabagong nagaganap sa iyong pali­gid. Pero mare-realize mo sa mga darating na araw na may benepisyo kang makukuha rito. ‘Wag na munang kumontra at piliing mag-low profile. Lucky number for today: 32

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi ka magkukulang sa magagandang ideya ngayon. Ang tangin­g nawawala ay ang kumpiyansa mo sa iyong sarili. Sapat ang iyong kakayahan at abilidad kaya wala kang dapat ikatakot. Lucky number for today: 41

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Masyadong nagiging routine ang ilang pangyayari sa buhay mo. Kailangan mo ng bagong adventure o bagong aktibidad para maibalik ang nawawalang sigla. Sumubok sa mga bagong karanasan. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23-November 21) – Maayos ang takbo ng mga pangyayari at mare-realize mong patungo ka na sa pinapangarap mo. Nasa iyong kamay na ang paraan para gawin itong reyalidad. ‘Wag nang bibitaw. Lucky number for today: 46

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Iwasang makapagbitiw ng masakit na salita lalo na sa mga mahal mo sa buhay. Kung merong naging tampuhan, ngayon ang pagkakataon para makabawi. Sa romansa, ‘wag payagang maging hadlang ang pera. Lucky number for today: 11

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ang pagmamahal ay hindi laging idinadaan sa salita. Mas dapat itong ipakita sa gawa. Meron kang kailangang patunayan. Lucky number for today: 34

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nagtatrabaho ka hindi lamang para sa sarili mo kundi para sa iba. Ikonsidera ang mga mahal mo sa bawat malaking pagdedesisyon. Lucky number for today: 57

PISCES (February 19-March 20) – Ang magandang koneksyon sa iba’t ibang tao ay magiging tuntungan mo para maabot ang isang pangarap. ‘Wag makuntentong naghihintay lamang. Kailangang hanapin kung aling direksyon ang higit na matimbang sa iyo. Lucky number for today: 23

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy