Una sa Balita

Horoscope 07/19/19

0 301

ARIES (March 21-April 19) – Maaa­ring hindi ka umaayon sa isang kaibigan o kapamil­ya pero walang dahilan para makipag-argumento dahil hindi mo na siya makukumbinsi sa pana­naw mo. May pagkakataong mas dapat tayong manahimik. Lucky number for today: 33

TAURUS (April 20-May 20) – Mahihirapan kang mag-isip ngayon at mas nangingibabaw sa iyo ang tensyon kaya ang maliit na bagay ay pinalalaki ng iyong isip. Magrelaks muna. Mas malamang ang pagkakamali kung wala kang pokus. Lucky number for today: 16

GEMINI (May 21-June 20) – May dahilan para mag-celebrate kasama ng iyong pamil­ya. Kung may pagbibiyaheng gustong gawin, hindi masamang ikonsidera ito. Lucky number for today: 8

CANCER (June 21-July 22) – Huwag makuntento sa kung ano ang puwede na. Mas bagay sa iyo ang mga challenging na sitwasyon. Iwasang limitahan ang sarili dahil lamang ayaw mong umalis sa iyong comfort zone. Paborable ngayon ang lahat ng pagbabago. Lucky number for today: 21

LEO (July 23-August 22) – Tanggapin kung ano ang iyong nasa harapan at ‘wag nang pag-aksayahang tingnan kung ano ang meron sa iba. Hindi masamang ikonsidera ang pagbago sa isang lifestyle habit na hindi na nababagay sa estado mo. Lucky number for today: 51

VIRGO (August 23- September 22) – Mas­yadong mataas ang tinatarget mo kaya nahihirapan ang lahat na sumabay sa iyo. Iwasan ding maging masyadong mapanghusga. Ang lahat ay puwedeng magkamali. Lucky number for today: 47

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang atraksyon ang mapapatunayan mong mutual pala at may mabubuksang oportunidad para sa mga naghahanap pa lamang ng mamahalin. Isang kaibigan ang manga­ngailangan ng iyong payo para sa isang sensitibong isyu. Lucky number for today: 35

SCORPIO (October 23-November 21) – Doon ka lamang sa katotohanan. Masarap mang gumawa ng kuwento, posibleng maglagay naman ito sa iyo sa isang alanganing sitwasyon. Tandaan na sa lahat ng pagkakataon, nananati­ling honesty is the best policy. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Maaaring ma-realize mo na napapasubo ka na sa isang aspeto ng buhay. Ang inaakala mong madali lamang ay mapapatunayang komplikado at hindi lubusang abot ng iyong kaalaman. Dumistansya na lamang. Lucky number for today: 29

CAPRICORN (December 22-January 19) – Marami ang mapapasaya mo ngayon at mapapa­hanga sa mga magaga­ling mong ideya. Ito rin ang magiging daan para maiabante pa ang iyong mga pangarap sa buhay. ‘Wag munang kontrahin ang isang posibilidad para sa bagong romansa, makiayon sa mga pangya­yayari. Lucky number for today: 53

AQUARIUS (January 20-February 18) – Gawin ang lahat para makaiwas sa anumang argumento lalo na kung hindi naman talaga importante ang isyu. I-save mo na lang ang energy mo sa mga importanteng usapin. Hindi tamang pag-aksayahan ng panahon ang mga petty issues. Lucky number for today: 16

PISCES (February 19-March 20) – Nasa bagong romansa ang direksyon ng araw na ito. Isang kaanak ang maaa­ring maging daan para maging mas makulay ang iyong lovelife. Hindi masamang ipakita ang iyong appreciation sa mga ginagawa niya. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy