Una sa Balita

Horoscope 07/18/2018

0 339

ARIES (March 21-April 19) – Dagdagan pa ang pasensya at manatiling ­kalmado. May isang tensyon na hindi maiiwasan at may kinalaman ito sa perso­nal na isyu. Lucky ­number for today: 39.

TAURUS (April 20-May 20) – Isang sitwasyon ngayon ang magkakaroon ng mala­king impact sa buhay mo. ‘Wag kakalimutan ang leksyong iiwan nito na magagamit mo sa malapit na hinaharap. Lucky number for today: 12.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi masamang baguhin ang u­nang negatibong opinyon mo sa isang tao. Lahat ay dapat bigyan ng pagkakataong magbago. Lucky number for today: 45.

CANCER (June 21-July 22) – Sa tamang tiyempo ang susi para ganap mong malagpasan ang isang sensitibong sitwasyon. Magagawa mo ito kung magpopokus sa mga hakbang na kaila­ngan mong gawin. Lucky number for today: 28.

LEO (July 23-August 22) – Anumang sikretong ibabahagi sa iyo ay ituring na mahigpit na ­lihim. Maaari kang ma­ipit sa hindi magandang sitwasyon kung ibaba­hagi mo ito sa iba. Lucky ­number for today: 37.

VIRGO (August 23- September 22) – Isang impormasyon ang kaila­ngang suriing mabuti. Huwag agad kumagat sa mga inilalapit sa iyo. Posibleng may ibang motibo ang taong kaharap mo. Lucky number for ­today: 26.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung pakiramdam mo ay naibuhos mo na ang lahat ng effort at panahon mo sa isang relasyon, pag-aralan kung kailangan pa itong ituloy. Ikaw lamang ba ang nagbubuhos ng ­effort? Lucky number for today: 41.

SCORPIO (October 23-November 21) – ‘Wag masyadong magmadali sa isang gusto mong malaman. Hindi ka puwedeng dumaan sa shortcut. May kailangan ka munang pagdaanang bagong karanasan na makakapagpatatag sa iyo. Lucky number for today: 31.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May tukso para bumili ng bagong gadget pero tiyakin munang kaya ito ng budget mo. Maaaring hindi mo pa naman ito lubos na kailangan. Lucky number for today: 18.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung nararamdaman mong paikot-ikot ka naman sa isang sitwasyon, maaaring kailangan mo munang dumistansya. Alamin kung saan nagmumula ang mali para ganap kang maka-arangkada. Lucky number for today: 16.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Gustuhin mo mang tulungan ang lahat ng tao sa paligid mo, may ­taong sadyang ayaw magpaabot. ‘Wag na munang magpumilit. Sa halip, bigyan siya ng ­espasyo. Lucky number for today: 12.

PISCES (February 19-March 20) – Nasa mood ka para makisala­muha sa mas maraming tao. Pero bago tuluyang patangay sa distraksyon, tapusin muna ang isang obligasyon na matagal nang naghihintay ng iyong aksyon. Lucky number for today: 9.