Una sa Balita

Horoscope 07/18/19

0 309

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang masya-dong pahirapan ang sarili mo ngayong araw na ito. Kaila-ngan mong makarekober sa mga hamon na pinagdaa-nan at ihanda ang sarili sa panibagong t­rials. Kung me-ron kang nakasamaan ng loob, gamitin ang araw na ito para makipag-ayos. Lucky number for today: 7

TAURUS (April 20-May 20) – Isang taong malapit sa iyo ang ma-ngangailangan ng iyong buong atensyon ngayon. Alisin muna sa isip ang mga maliliit na isyu at magpokus sa kinakailangan. Mas importante ang pagmamahal kaysa anumang materyal na bagay. Lucky number for today: 13

GEMINI (May 21-June20) – Madali lamang sa iyo ang magpatawad pero hindi dapat kalimutan ang ginawa sa iyo ng isang partikular na indibidwal sa panahong mahina ka. Kung minsan niya itong nagawa, kayang-kaya niya itong ulitin muli. Wag kalimutan ang leksyong iniwan. Lucky number for today: 3

CANCER (June 21-July 22) – Mas mahirap para sa iyo ngayon ang mag-express ng iyong sarili. May ilang restriksyon na magpapahirap sa iyong ipinupursige. Sa gitna ng kaabalahan, ipakita sa mga taong mahal mo kung gaano sila kahalaga sa iyo. Lucky number for today: 40

LEO (July 23-August 22) – Wag sayangin ang iyong energy sa mga tao na hindi naman tunay na mahalaga sa buhay mo. Wag ding sayangin ang pera sa bagay na maituturing na luho lamang. Kontrolin ang emosyon at kontrolin ang paggastos ngayon. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23- September 22) – Mas nagiging romantiko ka ngayon at sa mga nakaraang araw. Iwasan lamang na isapubliko ang lahat-lahat ng nangyayari sa iyong lovelife. Magtira ng kaunting misteryo. Lucky number for today: 6

Related Posts

Crystal Gazer

Crystal Gazer

Crystal Gazer

LIBRA (September 23- October 22) – Habang nagpapa-kahirap kang magpa-impress sa mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon, tila lalo naman nilang pinagdududahan ang iyong kakayahan. Kumalma muna dahil darating ang tamang pagkakataon na mapapatunayan mo ang iyong abilidad. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23- November 21) – Isang taong malapit sa iyo ang masyadong down ngayon. K­ailangan niya ang iyong pag-alalay. N­gayon mo patunayan na isa kang mabuting kaibigan. Lucky number for today: 33

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Wag mong i-push masyado ang mga taong kaya rumesbak sa iyo. Kahit anong pagkapikon ang maramdaman, kalma lamang at palipasin muna ang bugso ng emosyon. Lucky number for today: 5

CAPRICORN (December 22-January 19) – Walang garantiya na ang mga interesting na indibidwal sa paligid mo ngayon ay magtatagal. Wag mong ibuhos ang lahat ng iyong emosyon sa kanila upang maiwasang masaktan. Lucky number for today: 24

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi masamang makipagsapalaran kung ito ang iyong nararamdaman ngayon. Pinapaboran ang iyong instinct lalo na pagdating sa mga transaksyong may kinalaman sa pananalapi. Lucky number for today: 2

PISCES (February 19-March 20) – Mae-enjoy mo nang husto ang pagiging center of attraction ngayong araw na ito. Samantalahin ang magndang oportunidad pero tiyaking nana-natili sa iyo ang kontrol. Lucky number for today: 16

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy