Una sa Balita

Horoscope 07/17/2018

0 305

ARIES (March 21-April 19) – Ang dagdag na atensyon ng iyong mahal ang nagbibigay-sigla sa araw na ito. Kapag inspirado, lahat ng hamon ay kayang harapin. Siguraduhin na naipadadama mo sa iyong partner ang ­buong appreciation. Lucky number for today: 51.

TAURUS (April 20-May 20) – Single ka man o may ka-partner na, malakas ang karisma mo sa araw na ito kaya huwag nang magtaka kung hindi makatiis sa pagpaparamdam ang isang indibiduwal sa iyong paligid. Marami rin ang naiimpluwensyahan sa ipinakikita mong positive attitude. Lucky number for today: 10

GEMINI (May 21-June 20) – Kung may pagbabagong kaila­ngang ilapit, kailangang gradual at disimulado ang pag-i-introduce nito sa iyong partner. Umiwas sa anumang uri ng tensyon partikular ang mga diskusyon. Lucky number for today: 30.

CANCER (June 21-July 22) – Malinaw na sa iyo ang agenda ng isang taong malapit sa iyo. Hindi masamang ibigay ang iyong suporta. Maaari ring mas mapokus ka sa isang responsibilidad na may kinalaman sa pamilya. Lucky number for today: 35.

LEO (July 23-­August 22) – Kung ang ibang tao ay mada­ling sumuko sa hamon, ikaw naman ay luma­lakas kapag hinahamon ang iyong kakayahan. Dagdag-inspirasyon rin ang patuloy na hatid ng iyong partner sa buhay. Lucky number for today: 1.

VIRGO (August 23-September 22) – Isang kapamilya mo ang matagal nang nag-iisip kung meron kang isinisikreto sa kanya. Kakailanganin mo nang magpaliwanag upang maunawaan niya ang mga ikinikilos mo. Lucky number for today: 4.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Dumating na ang pagkakataong hinihintay mo para magsalita at sabihin ang isang isyu na may ilang araw nang nakakagulo sa iyo. Kung may kinalaman ito sa relasyon, makakaunawa ang iyong partner. Lucky number for today: 17.

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi paborable ngayon ang mainip at mainis. Kailangang dagdagan pa ang paghihintay. Iwasan ding madamay sa tensyon ang iyong partner. Lucky number for today: 44.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May isyu sa isang partnership. Maaaring sa negosyo, maaaring sa usaping lovelife. Kailangan mong maging kalmado sa pakikipagpaliwanagan. Lucky number for today: 53.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung ayaw mong maging bahagi ng solusyon na inilalapit sa iyo, nangangahulugan na ikaw ay nagiging bahagi ng problema. ‘Wag isarado ang isip. Makinig din sa paliwanag ng iba bago magmatigas sa iyong posisyon. Lucky number for today: 38.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kaya mong gawin lahat para makuha lamang ang hinahanap mong peace of mind lalo na sa isyu ng iyong lovelife. Bigyan muna ng ibayong atensyon ang iyong partner bago siya tuluyang magtampo. Lucky number for today: 45.

PISCES (February 19-March 20) – Kailangang pairalin ang diplomasya kung meron kang ipapaliwanag. Hindi uubra ang pagmamadali. Siguradu­hing naipapaliwanag ang iyong pananaw upang mabura ang tensyon sa paligid. Lucky number for today: 21.