Una sa Balita

Horoscope 07/17/19

0 290

ARIES (March 21-April 19) – Meron kang pagdadalawang-isip ngayon at hindi magiging madali para sa iyo ang magdesisyon. Iwasan munang magbigay ng anumang commitment. Maghintay ng tamang araw. Lucky number for today: 58

TAURUS (April 20-May 20) – Masarap mangarap ng tagumpay ngunit sa araw na ito, paborableng kontrolin ang iyong mga aksyon. Iwasang pumasok sa anumang uri ng pakikipagsapalaran. Lucky number for today: 28

GEMINI (May 21-June 20) – Kung dati ay kontrolado mo ang mga lumalabas sa iyong bibig, ngayon ay mala­ki ang posibilidad na matangay ka ng iyong emosyon. Iwasan ding tumayong kritiko ng sinuman dahil sa bandang huli ikaw ang mahuhusgahan. Lucky number for today: 36

CANCER (June 21-July 22) – Mapanghamon ang araw na ito kaya manatiling alerto. Dagdagan pa ang effort para matiyak na tama ang mga ginagawa mo. Alalahaning walang pagsisising nasa unahan. Lucky number for today: 56

LEO (July 23-August 22) – Masalimuot ang araw na ito. Mataas ang emosyon lalo na sa panig ng mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Panatilihin ang kumpiyansa sa sarili kahit maraming kritisismo sa paligid. Lucky number for today: 29

VIRGO (August 23-September 22) – Isang alanganing sitwasyon ang posibleng hindi maiwasan. Kung makagawa ng isang bagay na hindi maganda sa paningin ng iba, tanggapin ang responsibilidad at humingi ng paunawa sa mga kinauukulan. Lucky number for today: 13

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May komplikasyong hatid ang araw na ito. Sa halip na itanggi ang iyong pagkakamali, aminin ito at tandaan ang leksyong iniwan. Walang taong perpekto. Lucky number for today: 24

SCORPIO (October 23-November 21) – Ilang tao sa paligid mo ang tila sinasad­yang gawing komplikado ang araw mo. Sa halip na maubusan ng pasensya, kalma lamang dahil hindi makatutulong ang emosyon para malagpasan ang mga aberya. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Importante ngayon na umiwas sa anumang extreme na gawain. Sa aspeto ng pananalapi ay iwasan ding mag-over gastos. Manatiling kalmado sa gitna ng mga tensyon. Lucky number for today: 28

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mas emosyunal ka ngayong araw na ito kumpara sa karaniwan. Hindi naman ito dapat ikahiya. Sa halip patunayan mong mali ang inaakala ng iba tungkol sa iyo. Lucky number for today: 39

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi masamang ma-guilty sa ilang pangyayari pero ‘wag mong payagan ang ibang tao na gamitin ang sitwasyon para ibagsak ka. Ang lahat ay nagkakamali. Importante lamang na makabawi ka. Lucky number for today: 58

PISCES (February 19-March 20) – Isang taong kasalungat mo ng pananaw at paninindigan sa buhay ang tila naghahamon. Hindi rin siya papayag sa anumang pakiki­pagkompromiso. Makabubuting harapin ang hamon at ipakita ang iyong kakayahan. Lucky number for today: 4

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy