Una sa Balita

Horoscope 07/16/2018

0 280

ARIES (March 21-April 19) – May ipapaalalang leksyon ang nakaraan. Kaila­ngan ito para ganap na maka-move on at nang hindi na masayang ang mga importanteng oras sa hinaharap. Lucky number for today: 27.

TAURUS (April 20-May 20) – Mas marami kang mahahatak na followers kung nakikita nilang meron kang sapat na kumpiyansa sa sarili.

Mahirap namang ibuhos ang tiwala sa mga taong mismong sa sarili nila’y hindi nagtitiwala. Stay positive! Lucky number for today: 57.
GEMINI (May 21-June 20) – Anumang aberya ay puwedeng masira ang lahat ng naumpisahan. Mas maiiwasan ang problema kung ikokonsidera ang pananaw ng taong pinagtitiwalaan. Lucky number for today: 29.

CANCER (June 21-July 22) – Kailangan mo ngayong maging mas organisado at hindi masamang ilista na ang iyong mga prayoridad. Iwasan ding maagaw ang iyong konsentrasyon sa problema ng iba. Lucky number for today: 7.

LEO (July 23-­August 22) – Isang dating kaibi­gan ang magdudulot sa iyo ng kasiyahan. May impormasyon kang makukuha sa kanya na magbibigay-linaw sa isang alala­hanin na nakaka­gulo sa iyong isip sa kasalukuyan. Lucky number for today: 17.

VIRGO (August 23-September 22) – Habang tumataas ang iyong ambisyon, dumarami rin ang mga katanungan na gusto mong maihanap ng kasagutan. Maraming tao ang naniniwala sa iyong abilidad, ‘wag bibitiw. Ang mga hadlang ay pansamantala lamang. Lucky number for today: 36.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ilang oportunidad na may kinalaman sa romansa ang nabubuksan. Bigyan muna ito ng atensyon. Ang isang pagod na isip ay nagkakaroon ng lakas sa mga bagong inspirasyon. Lucky number for today: 23.

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa gitna ng mga stress na pinagdaraanan, isang sitwasyon ang bubuhay sa iyong pag-asa. Gawing prayoridad ang mabubuksang oportunidad. Malaking pagbabago ang ihahatid nito. Lucky number for today: 5.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maa­aring hindi makontrol ngayon ang kagustuhang magrebelde at kumontra sa mga restriksyon na ipinatutupad. Hindi na kailangang magsalita dahil malinaw sa lahat ang iyong nagiging aksyon. Lucky number for today: 10.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Sa pagkakataong ito, hindi uubra ang dahan-daang aksyon. Kaila­ngang ipakita ang iyong aggressive side. Kung agad mong magagawa ang mga kailangang gawin, mas positibo ang makukuha mong resulta. Lucky number for today: 20.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kailangan mo munang pag-isipan kung ano ang magiging benepisyo mo bago tuluyang ibuhos ang iyong effort sa isang proyekto. Sa pagkakataong ito, hindi puwedeng maging tagasunod ka lamang. Lucky number for today: 39.

PISCES (February 19-March 20) – Kung balido naman ang iyong pananaw, hindi masamang ipag­laban ito. Kailangan lamang kontrolin ang emosyon at maging mas objective sa pagbibigay ng paliwanag. Lucky number for today: 52.