Una sa Balita

Horoscope 07/16/19

0 371

ARIES (March 21-April 19) – Mas sensitibo nga-yon ang mga taong nakapaligid sa iyo kaya ingatan ang lahat ng sinasabi lalo na sa unang bahagi ng linggong ito. Iwasan ding mangako dahil mahihirapan kang matupad ito. Lucky number for today: 8

TAURUS (April 20-May 20) – Mahirap para sa iyo ang manahimik lalo na kung meron kang napapansin na hindi swak sa panlasa mo. Makaka-tulong naman ito para maitama ang ilang taong malapit sa iyo. Kailangan nilang marinig ang katotohanan. Lucky number for today: 18

GEMINI (May 21-June20) – Ngayon mo mare-realize na kaila-ngan mong makimpagkompromiso kung gusto mong wag maantala ang mga plano mo. Mas madali rin sa iyo ngayon ang magsabi ng isang sikreto sa isang pinagtitiwalaang kaibigan. Lucky number for today: 30

CANCER (June 21-July 22) – Magtiwala sa iyong sarili at sa iyong sariling judgment. Wag mong big-yan ng oportunidad ang ibang tao para magdikta kung ano ang dapat mong gawin sa buhay mo. Lucky number for today: 14

LEO (July 23-August 22) – Madali para sa iyo ngayon na makuha ang suporta ng mga kaibigan at kasamahan sa trabaho. Hindi mo kailangang magsakripisyo dahil hindi sila kokontra sa iyong kagustuhan. Dito mo makikitang marami ang naniniwala sa iyo. Lucky number for today: 26

VIRGO (August 23- September 22) – Mas makakatulong sa iyo ang isang pakikinig sa isang nakatatandang kaibigan. Kahit may pagka-kritikal ang kanyang mga sinasabi, ito ang mas kailangan mo para matuto. Lucky number for today: 31

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – May posibilidad na makabangga mo ang isang kasamahan sa trabaho dahil sa nagkakaibang opinyon. Hindi rin ito ang oras para umatras. Wag magpakita ng kahinaan. Lucky number for today: 39

SCORPIO (October 23- November 21) – Madali lamang sa iyo ngayon ang kumbinsihin ang mga tao sa iyong paligid. Mas madali rin para sa iyo ang magbigay ng anumang mensahe dahil kaya mong sabihin ang lahat. Iwasan lamang na maging mas-yadong personal ang komento. Lucky number for today: 52

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Walang garantiya ang iniisip mong pagpasok sa isang transaksyong may kinalaman sa pera. Mag-isip nang husto bago ibigay ang iyong approval. Mahirap nang mapasubo. Lucky number for today: 22

CAPRICORN (December 22-January 19) – Wag mong hayaan ang ibang tao na magdesisyon para sa iyo. Kahit ang mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon ay hindi dapat hayaang makialam lalo na kung personal mong buhay ang nakasalalay. Lucky number for today: 43

AQUARIUS (January 20-February 18) – Wala ka sa mood sa anumang pakikipagsaya. Mas pokus ka ngayon sa mga ser-yosong usapin. Handa rin kahit sa mga emosyunal na komprontasyon. Lucky number for today: 16

PISCES (February 19-March 20) – Iwasan mong ipilit ang iyong ideya at opinyon sa ibang tao ngayon at sa mga susunod na araw. Kahit sa tingin mo ay napaka-perfect na ng iyong mga plano, maari pa ring pumasok ang iba’t ibang aberya. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy