Una sa Balita

Horoscope 07/15/19

0 294

ARIES (March 21-April 19) – Makakatulong sa iyo ngayon ang pakikisalamuha sa mga grupong may makabuluhang adbokasiya. Magiging daan din ito para magkaroon ng mga bagong kaibigan. Lucky number for today: 55

TAURUS (April 20-May 20) – Isang isyung legal ang magiging pokus ng araw na ito. Maa-ring may kinalaman ito sa aspeto ng pananalapi. Asikasuhin agad ito upang ganap na maisara ang usapin. Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June20) – Isang pagkakaibigan ang maaring mauwi sa romansa lalo na kung nagtutugma ang inyong mga ispirit-wal na pananaw. Iwasan lamang na masyadong itaas sa pedestal ang taong ito. Lucky number for today: 25

CANCER (June 21-July 22) – Hindi man sabihin, ramdam mo kung ano ang pinagdaraanan ng isang taong malapit sa iyo. Wag nang hintaying magsabi pa siya, magkaroon ng sari-ling inisyatiba at bigyan siya ng kinakailangang payo o paggabay. Lucky number for today: 30

LEO (July 23-August 22) – Isang taong da-ting kabatian mo lamang ang magiging malapit sa iyo. Marami kang makikitang pagkakahawig ng inyong interes. Posibleng mabuo ang isang romansa kung naghahanap ka pa lamang ng mamahalin. Lucky number for today: 20

VIRGO (August 23- September 22) – Mapopokus ka ngayon sa mga dokumentong kailangang tapusin. Magbubukas ito sa iyo ng mga bagong oportunidad na magagamit mo sa iyong career. Lucky number for today: 19

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Isang taong nasa malayo ang may malaking impluwensya sa iyong pagdedesisyon. Iwasan lamang na bigyan ng kulay ang kanyang kabaitan at huwag ilihis sa romansa ang magandang pagkakaibigan. Lucky number for today: 7

SCORPIO (October 23- November 21) – Malakas ang instinct mo sa negosyo at mga bagay na magbibigay ng dagdag pagkakakitaan. Gamitin ito para maisulong ang iyong pinansyal na interes. Lucky number for today: 11

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Isang okasyon ang magiging daan para mapalapit ka sa mga taong may kakaibang interes. Bigyan ng pagkakataon ang taong ito para mapalawak ang iyong pananaw. Lucky number for today: 3

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magaan ang takbo ng iyong lovelife at para mapanatili ito, iwasan ang mga suspetsang lu-malason sa magandang samahan. Panatilihin ang tiwala at magiging mas matatag ang relasyon. Lucky number for today: 6

AQUARIUS (January 20-February 18) – Anumang tampuhan sa kapamilya ay maaayos na. Ngayong kumalma na ang mga emosyon, mas mauunawaan na ang posisyon ng bawat isa. Lucky number for today: 22

PISCES (February 19-March 20) – Matindi ang kagustuhan mong makita ang isang taong matagal mo nang nakahiwalay. Hindi masamang pagbigyan ang nararamdaman lalo na kung may paraan naman para maunang kumontak. Lucky number for today: 19

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy