Una sa Balita

Horoscope 07/14/19

0 336

ARIES (March 21-April 19) – Maghintay ng isa o dalawang araw bago gumawa ng mala­king hakbang. Mala­king pagbabago ang idudulot nito sa buhay mo kaya mag-isip nang makailang beses. Lucky number for today: 15

TAURUS (April 20-May 20) – Isang suhestyon ang ibibigay ng isang kaibigan. Pero posibleng pagmulan ito ng aberya. Hindi ibig sabihin na niloloko ka ng iyong kaibigan, sa halip ay nagkamali siya ng paniniwalaan. Lucky number for today: 29

GEMINI (May 21-June 20) – Importante ngayon ang magpagkatotoo lalo na sa mga taong nakatataas ng posisyon. Anumang pagbali sa katotohanan ay hindi uubra dahil hindi mo ito maitatago. Lucky number for today: 33

CANCER (June 21-July 22) – Alam mo kung ano ang kaila­ngan mong gawin pero nahihirapan kang mag-umpisa. Kailangan mo ng isang bagong inspirasyon. Lumabas muna at magrelaks para makapag-unwind. Lucky number for today: 14

LEO (July 23-August 22) – Anumang magagandang ideya mo ngayon ay kaila­ngan munang sarilinin. Magagamit ito ng iba kung agad mong ibo-broadcast. Sarilinin muna ang mga plano. Lucky number for today: 54

VIRGO (August 23-September 22) – Wala kang dapat ipag-alala dahil sa mga susunod na araw mangyayari na ang mga inaasahan mo. Kung may aberyang hindi maiwasan, madali mo lamang itong malulusutan. Lucky number for today: 16

LIBRA (September 23-October 22) – Maaring hindi agad matanggap ng ibang tao ang mga ideya mo. Maging logical sa pagkakataong ito. Isantabi muna ang emosyunal na aspeto. Lucky number for today: 21

SCORPIO (October 23-November 21) – May kalituhan ka nga­yong nararamdaman kaya umiwas munang magdesisyon lalo na sa mga usaping may kina­laman sa pera. Kung magkaroon ka man ng pagkakamali, ‘wag itong katakutan dahil dito ka matututo. Lucky number for today: 15

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Marami kang natatanggap na payo pero dapat mong pag-aralan kung makakabuti ba ito sa kabuuan? Wag magbago dahil lamang ito ang iniisip ng iba na makabubuti para sa iyo. Kailangang tiyak mo na kailangan mo talaga ito. Lucky number for today: 22

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Kailangan mong maging kompor­table kung sino ka at kung anong meron ka. Iwasan mong ikumpara ang sarili sa iba dahil lagi mong mararamdaman ang iyong mga kakulangan. Lucky number for today: 38

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Nararamdaman mong meron kang nakakaligtaang gawin pero hindi mo matukoy kung ano ito. Makabubuting magrelaks muna dahil habang pinipilit mo ang sarili mo, lalo itong nagiging mailap. Lucky number for today: 44

PISCES (February 19-March 20) – Pa­kinggan ang ibinubulong ng iyong konsensya. Kuwestyunin ang mga ginagawa mo kung pasok pa ito sa iyong mga prinsipyo at paniniwala. Lucky number for today: 55

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy