Una sa Balita

Horoscope 07/13/2018

0 243

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang makontrol ka ng stress. Minsan ay nasa isip lamang ito kaya magpokus sa mga positibong bagay. Bigyan ng panahon ang sarili na makapagrelaks. Lucky number for today: 13

TAURUS (April 20-May 20) – Malaki ang maitutulong ng kaalaman mo para matulu­ngan ang ibang tao. ‘Wag silang pagkaitan ng panahon. Ilan sa kanila ay naghihintay lamang ng iyong pansin. Lucky number for today: 58

GEMINI (May 21-June 20) – Maari kang mapasabak sa pakikiharap sa mga taong hindi tulad ng mga dati mo nang nakakaharap. Level up, sabi nga nila. Malaki ang maitutulong nila sa iyo sa hinaharap. Lucky number for today: 22

CANCER (June 21-July 22) – Kung inaakala mong magiging masaya ka malayo sa mga mahal mo, nagkakamali ka ng akala. Kaya mong maging masaya kahit hindi ka umalis, nasa tamang pokus lamang iyan. Lucky number for today: 5

LEO (July 23-August 22) – Kailangan mo pang dagdagan ang kontrol pagdating sa panana­lita. Iwasan masyadong makasakit ng damdamin ng iba. Kontrolin ang emosyon. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23-September 22) – Makikita mo na kung sino ang totoo sa iyo at sino ang nagpapanggap lamang na kaibigan. Tulad sa FB, puwede ka nang mag-delete ng mga hindi totoong friends para mas maka-move on. Lucky number for today: 3

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mas kaya mo nang tumayo sa iyong sariling paa kumpara sa mga nagdaan. Mapapatunayan mo sa lahat na karapat-dapat nang ibigay sa iyo ang kanilang tiwala. Lucky number for today: 16

SCORPIO (October 23-November 21) – Kapag mara­ming pagpipilian, mas mahirap magdesisyon. Maaring ganito ang maging senaryo mo ngayon. Kumpiyansa pa rin sa sarili ang susi at makikita mo kung ano ang mas dapat. Lucky number for today: 39

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi lahat ng nangyayari ay maihahanap ng explanation. Meron ding panahon na lamang ang makakapagpaliwanag kung bakit. ‘Wag nang pahirapan ang sarili sa pag-iisip. Lucky number for today: 11

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung isa sa mga taong nasa paligid mo ay sumosobra na sa mga ginagawa sa iyo, oras na para pagsabihan siya. Huwag nang hintayin ang sitwasyon kung saan hindi mo na kayang ibigay ang kapatawaran. Lucky number for today: 26

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Mas malakas pa rin ang mensahe ng aksyon kaysa salita. Isa mga tao sa harap mo ang hindi kayang lumapit sa iyo kaya kailangan mo pang basahin ang mga pahiwatig ng kanyang mga aksyon. Lucky number for today: 16

PISCES (February 19-March 20) – Posibleng ikaw lamang ang nakakaramdam ng excitement at hindi ang iyong partner. Kailangan mo munang obserbahan kung pareho pa kayo ng level. Lucky number for today: 28