Una sa Balita

Horoscope 07/13/19

0 349

ARIES (March 21-April 19) – Isang taong malapit sa iyo ang maaring makasakit ng damdamin mo dahil sa isang komento. Nag-uugat ito sa isang pagseselos pero huwag nang dibdibin. Hindi mo siya masisisi kung nasa iyo ang atensyon ng nakararami. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – Kung may isang importanteng pabor na kailangan mong ilapit sa isang nakakataas sa iyo ng posisyon, ngayon ang pagkakataon para gawin ito. Mas madali kang maunawaan at mas madali mong masasabi ang iyong mensahe ngayon. Lucky number for today: 18

GEMINI (May 21-June 20) – Gusto mo mang magrelaks ngayon, alam mong wala kang sapat na oras. Punumpuno ka rin ng energy at inspiradong gawin ang lahat para sa katuparan ng iyong mga pangarap. Lucky number for today: 27

CANCER (June 21-July 22) – ‘Wag masyadong biga­tan ang materyal nga­yong araw na ito. Iwasan ding pumasok sa anumang commitment na may kinalaman sa pera sa halip maghintay ng ilang araw bago ito pagdesisyunan. Lucky number for today: 31

LEO (July 23-August 22) – Hindi na importante kung hindi mo man perso­nal na gusto ang taong katrabaho mo. Walang personalan pagdating sa trabahong kailangang matapos. Ibigay ang iyong kooperasyon. Lucky number for today: 36

VIRGO (August 23- September 22) – Wala ka sa mood para maki-party pero hindi masamang tanggapin ang mga imbitasyon. Hindi dapat pabayaan ang iyong social life dahil makatutulong din ito para mapalalim ang iyong mga koneksyon para maisulong ang iyong career. Lucky number for today: 51

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Lahat ay posible para sa iyo ngayon. Pero hindi pa rin ito lisensya para gawin ang lahat kahit alam mong makakasakit ito sa iba. Maging parehas sa lahat ng tran­saksyon at pakikipag-usap at mas magi­ging madali ang tagumpay. Lucky number for today: 45

SCORPIO (October 23- November 21) – Kung may gusto kang baguhin sa sarili mo, hindi masamang ikonsidera ito. Pero kung gagawin mo lamang ito para mapasaya ang ibang tao at ikaw naman ang mahihirapan, mag-isip-isip ka pa. Lucky number for today: 39

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Masyado kang nagmamadali pero dito pumapasok ang mga pagkakamali at iba’t ibang klase ng aberya. Hinay-hinay, mararating mo rin ang gusto mong marating. Lucky number for today: 41

CAPRICORN (December 22-January 19) – Pinapaboran ang anumang klase ng partnership. Luma­labas din ang iyong gene­rous nature at mas madali kang magpatawad ngayon. Gawin ito nang wala nang emosyunal na bagaheng dinadala. Lucky number for today: 52

AQUARIUS (January 20-February 18) – Wala ka sa mood pumasok sa anumang kompromiso. Pero isang usapin ang mangangailangan ng iyong buong kooperasyon. ‘Wag itong ipagdamot kung gusto mong maisulong ang magkapareho ninyong interes. Lucky number for today: 17

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mong huminto sa anumang pinagkakaabalahan at pag-aralan ang isang pagdedesisyon na kaila­ngang gawin. Iwan muna ang ibang usapin at tingnan ang iyong mga prayoridad. Lucky number for today: 12

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy