Una sa Balita

Horoscope 07/12/2018

0 269

ARIES (March 21-April 19) – Lahat ay may karapatan sa kanya-kanyang opinyon. Kung ipinipilit sa iyo ang opinyon ng iba, ang dapat lamang gawin ay makinig. Iwasan ang mainitang diskusyon. Lucky number for today: 5.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi masamang gamitin ang imahinasyon pagda­ting sa mga plano mo sa buhay. Subalit kailangan ding kontrolin ito upang masiguro ang reyalidad ng mga gagawin mo. Lucky number for today: 8.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi mo malalaman ang kakayahan mo kung hindi ka magta-try. Huwag matakot sumubok sa mga bagong karanasan lalo na kung walang negatibo rito. Lucky number for today: 27.

CANCER (June 21-July 22) – Idistansya muna ang sarili para makapag-isip ng mga dapat gawin. Kapag sigurado na, alalahanin din ang kasabihang ‘practice makes perfect’. Lucky number for today: 14.

LEO (July 23-August 22) – May araw na kailangan mo ring ipahinga ang isip. Makakasama sa kalusugan ang sobrang pressure. Mag-unwind kasama ang mga kaibigan para marelaks. Lucky number for today: 27.

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi kailangang pagbuhusan ng pera ang iyong minamahal para ipakitang espesyal siya sa puso mo. May pagkakataong mas epektibo ang aksyon gayundin ang pananalita. Lucky number for today: 12.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Bago asahan ang lubusang pagsunod ng ibang tao, kailangan munang makuha ang tiwala at loyalty nila. Makukuha lamang ito kung unang ipapakita ang sinseridad. Lucky number for today: 58.

SCORPIO (October 23-November 21) – Maraming hamon sa araw na ito. Kailangan lamang piliin kung alin ang higit na karapat-dapat tugunan at kung alin ang higit na magbibigay-benepisyo sa iyo. Lucky number for today: 25.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Isang mabubuksang oportunidad ang puwedeng maghatid ng bagong adventure – bagong lugar na pupuntahan. Mara­ming dapat ikonsidera bago ito tanggapin. Lucky number for today: 44.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang pasayahin ang ibang tao. Sa araw na ito, mas ikonsidera ang ­sariling kasiyahan bago ang ibang tao. Lucky number for today: 15.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Maaaring malaking pagbabago ang mangyari. Mag-uumpisa ito sa nararamdaman mo at paggising mo’y mare-realize mong wala na ang dating damdamin. Lucky number for today: 33.

PISCES (February 19-March 20) – Madaling kumbinsihin ang sarili kung pauli-ulit mo itong sinasabi. Gayunpaman, pag-isipan kung katotohanan ba ito o pantasya lamang. Maging realistic para hindi masaktan. Lucky number for today: 36.