Una sa Balita

Horoscope 07/12/19

0 197

ARIES (March 21-April 19) – Pakinggan at ikonsidera ang iyong kutob para ma­ging gabay mo sa isang kailangan mong gawin. May pagkakataon ka rin ngayon na makapagpa­kitang-gilas at mag-iwan ng magandang impres­yon sa mga tao sa iyong paligid. Lucky number for today: 33

TAURUS (April 20-May 20) – May isang taong nagpapakita ng mas malalim na interes sa iyo. Maaring hindi mo siya napapansin dahil sa kaabalahan. Tingin-tingin lang sa paligid lalo na kung naghaha­nap ka ng espesyal na atensyon. Lucky number for today: 28

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi masamang magplano pero maging handa sa posibilidad na mabago ang ilan sa mga ito. May sorpresang hatid ang araw na ito na may kinalaman sa romansa. Lucky number for today: 16

CANCER (June 21-July 22) – Isang bago at exciting na indibidwal ang ilalapit sa iyo nga­yon. May oras ka para pag-ukulan siya ng pansin. Makakapaghintay ang ilang gawain. Lucky number for today: 21

LEO (July 23-August 22) – Malakas ang distraksyon sa paligid. Sa pagkakataong ito, natapos mo na ang mabibigat na gawain kaya may oras ka para pagbigyan ang isang romantikong paanyaya. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23-September 22) – Isang matagal nang inaasam o pinapantasya ang maaring magkatotoo ngayon. Gamitin ang iyong imahinasyon at hayaang mangyari ang mga dapat mangyari. Lucky number for today: 7

LIBRA (September 23-October 22) – May mga memorable na pangyayaring naghihintay sa araw na ito. Mas nakapokus ka ngayon sa aspeto ng romansa kaya mahirap para sa iyo ang mag-isip. Lucky number for today: 5aging ang isang inaakala mong hanggang pangarap na lamang ay mabibigyan ng potensyal na maging­ reyalidad. Manatiling alerto upang makita mo ang lahat ng nagbubuksang pagkakataon. Lucky number for today: 8

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mabisang medisina ang oras na nakakapagrelaks kasama ang mga taong nagpapasaya sa iyo. Dagdag na bonus ang isang hindi inaasahang pagkikita na maaaring makabuhay sa isang interes sa pag-ibig. Lucky number for today: 2

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maraming kaabalahan sa paligid. May mga dagdag na trabaho pero tiyak na magbibigay ito sa iyo ng sigla. Maging ang pamilya at lovelife ay pinapaboran kaya iwasan nang magpaka-stress. Lucky number for today: 20

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Kailangang bigyan ng atensyon at pokus ang mga maliliit na detalye sa bawat pagpaplano. Kadalasang sa maliliit nag-uumpisa ang mga aberya. Ang iyong partner ay makakapaghintay at makakaunawa na meron kang ibang prayoridad ngayon. Lucky number for today: 18

PISCES (February 19-March 20) – Anuman ang kailangang gawin, pakaiwasan na magbitiw ng malaking desisyon ngayong araw na ito. May distraksyon sa paligid at mahihirapan kang magpokus sa dapat mong gawin. Lucky number for today: 15

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy