Una sa Balita

Horoscope 07/11/19

0 262

ARIES (March 21-April 19) – Sikaping pakisamahan ang lahat ng taong nakakasalamuha. Sa mga darating na araw, papabor na sa iyo ang mga pangyayari. Kaya kalma lamang at stay positive. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi mo kailangang isisi sa ibang tao kung natatambakan ka na ng trabaho. Sa halip na maghanap ng sisisihin, kumilos na lamang nang matapos ang mga dapat gawin. Lucky number for today: 30

GEMINI (May 21-June20) – Sapat ang iyong energy para gawin ang dapat gawin. Hindi mo kailangan ang tulong ng iba. Wag nang hintayin ang mga pangako ng iba. Lucky number for today: 46

CANCER (June 21-July 22) – Isang gawain o isang proyekto na matagal nang atrasado ang magiging sentro ng iyong atensyon. Kailangan na itong matapos. Walang oras na dapat sayangin. Lucky number for today: 20

LEO (July 23-August 22) – May isyung kailangang maresolba sa pagitan mo at ng isang kaibigan o posibleng kapamilya. Ikonsidera ang pagpapatawad para ganap na maka-move on. Lucky number for today: 9

VIRGO (August 23-September 22) – Maraming pagbabago kaya naman kinakabahan ka sa mga kailangan mong gawin. Tandaan lamang na habang dumarami ang hamon, lalo kang luma-lakas. Lucky number for today: 16

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Tingnan ang isang lumang problema sa bagong perspektiba. Maaring mali lamang ang ginagamit mong estratehiya kaya hindi ka makalagpas. Magtiwala sa sarili. Lucky number for today: 15

SCORPIO (October 23-November 21) – Isangguni sa isang pinagtitiwalaang kaibigan ang isang ideya mo na walang makuhang suporta mula sa mga kinauukulan. May maitutulong siya para makaisip ka ng ilang adjustments. Lucky number for today: 24

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga pagkaantala na maaring maganap. Iwasang magbigay ng anumang commitment. Malabo kang makatupad sa anumang ipapangako nga-yon. Lucky number for today: 53

CAPRICORN (December 22-January 19) – Tiyaking hindi pa nalilihis ang iyong mga prayoridad. Pagkakataon mo na para pag-aralan ang mga nangyayari. Iwas muna sa anumang distraksyon. Lucky number for today: 31

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi na bago ang hamon na inilalapit sa iyo ngayon. Napagdaanan mo na ito sa nakaraan kaya parehong estratehiya lamang ang kailangan para malagpasan ito. Lucky number for today: 41

PISCES (February 19-March 20) – Ang mga pagbabagong nagaganap ang magiging daan para gumaan ang iyong pakiramdam. Malaking tinik ang mabubunot kaya maari ka nang makapagrelaks. Lucky number for today: 2

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy