Una sa Balita

Horoscope 07/10/19

0 309

HOROSCOPE

ARIES (March 21-April 19) – Hindi mo man mabigyang solusyon ang problema ng lahat, sapat nang makatulong sa isang taong nangangaila­ngan. May malaki kang magagawa para iangat ang kanyang kalaga­yan. Lucky number for today: 31

TAURUS (April 20-May 20) – Kaila­ngan mo nang tapusin ang isang naumpisahan. Hindi na uubrang paghintayin ito. Wala kang matatapos kung lahat ay puro simula. Lucky number for today: 5

GEMINI (May 21-June 20) – May pagkakataon ka ngayon para makipagkonek sa mga taong katulad mo ng interes. Ilan sa mga taong makakasa­lamuha mo ngayon ang may malaking maitutulong sa iyo sa hinaharap. Lucky number for today: 12

CANCER (June 21-July 22) – Mas maigsi ang iyong pasensya ngayon. Iwasan lamang na pagbuntunan ng init ng ulo ang isang taong malapit sa iyo. Una­wain mong sadyang hindi kayo magkapareho ng interes. Lucky number for today: 41

LEO (July 23-August 22) – Mahihirapan kang tanggapin ang opinyon ng isang kapamilya. Pero ‘wag nang subukang baguhin ang kanyang pananaw upang makaiwas sa drama. Respetuhin na lamang ang inyong pagkakaiba. Lucky number for today: 18

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi masamang kuwestyunin ang isang nakakataas sa iyo ng posisyon pagdating sa isang importanteng trabaho. Kung magkakaroon ng kapalpakan, ikaw ang mapagbubuntunan ng sisi kaya lina­win muna ang lahat. Lucky number for today: 58

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi puwedeng ibang tao ang magdesisyon para sa iyo kung ano ang tama at ano ang mali. Mas uunahin ng iba ang kanilang interes kaysa sa iyo. Matutong magdesisyon para sa sarili. Lucky number for today: 42

SCORPIO (October 23-November 21) – Huwag matakot sa konting pagkakamali. Hindi ka naman hinuhusgahan ng lahat. Tandaan na lamang ang leksyon na nakuha mo sa karanasang ito. Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Maging maingat sa mga sitwasyong may kinalaman sa pera. Hindi lahat ng magagandang alok sa iyo ay totoo. Kilatisin munang mabuti ang nag-aalok. Lucky number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi masamang itodo ang effort pero kailangan munang tiyakin mo na anumang ipinupursige ay siyang tunay na gusto mo. Isi­ping mabuti kung ano ang malapit sa iyong puso. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kahit alam ng mga tao na kailangan mo ng tulong, hindi sila magboboluntaryo sa iyo. Kailangan mong magsalita at personal na hingin ang pag-alalay na kailangan. Isantabi muna ang pride. Lucky number for today: 50

PISCES (February 19-March 20) – Ibigay ang respeto sa kinauukulan. Hindi puwedeng balewalain ang posisyon ng isang nakakataas sa iyo dahil lamang hindi mo siya personal na gusto. Lucky number for today: 30

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy