Una sa Balita

Horoscope 07/09/2019

0 293

Happy Birthday
TOM HANKS

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang husgahan ang sinuman dahil lamang sa iisang basehan. Ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran. Wag katakutan ang bagong adventure. Lucky number for today: 22

TAURUS (April 20-May 20) – Sapat ang e­nergy mo para makapagpokus at manatiling nasa kontrol. Alam mo ang mga kasagutan sa mga tanong kahit hindi pa ito itinatanong sa iyo. May panahon ka para paghandaan ang isang ma-laking pagbabago. Lucky number for today: 53

GEMINI (May 21-June20) – Kung pakiramdam mo ay na-stuck ka na sa isang sitwasyon, ngayon ang tamang pagkakataon para kumawala. Wag mong tingnan ang isang aberya bilang balakid sa iyong daan. Lucky number for today: 43

CANCER (June 21-July 22) – Lumabas at maglibang. Makakatulong ito sa iyo para ganap na marelaks ang isip. Mas marami kang mabubuong bagong ideya kapag hindi ka nape-pressure. Lucky number for today: 45

LEO (July 23-August 22) – Wag nang pag-aksayahan ng panahon ang pagkontra at pag-angal. Uubusin mo lang ang energy mo sa effort. Makabubuting magpokus sa mga mas malalaking pangyayari. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23- September 22) – Wala kang dapat katakutan kapag napaghandaan mo anumang kinakaharap na hamon. Tanging ang sarili mo ang naglalagay ng balakid sa iyong daan. Dagdag kumpiyansa ang kailangan. Lucky number for today: 17

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Isang taong nakakabata sa iyo ang magiging daan para maging malinaw ang isang sitwasyon. Dapat mong ikonsidera ang kanyang suhestyon. Wag na munang isipina ng pride. Lucky number for today: 21

SCORPIO (October 23- November 21) – Marami kang mapapansin ngayon at kabilang na rito ang isang indibidwal na dati mo lamang nilalagpas-lagpasan. May kakaibang karisma ang taong ito ngayon. Lucky number for today: 36

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Kung naiipit ka sa isang tensyonadong sitwasyon, ipokus ang iyong atensyon sa mga bagay na makakapagpakalma sa iyo. Magpa-massage, mag-spa, i-pamper ang iyong sarili para mas madaling makapag-isip. Lucky number for today: 35

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi isang karera ang buhay, sa halip ay binubuo ito ng mga karanasan. Wag mong isara ang iyong opsyon sa mga bagong karanasan. Iwan muna ang iyong comfort zone dahil wala kang dapat katakutan. Lucky number for today: 14

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ngayon ang oras para magpokus sa iisang bagay lamang. Bigyan ito ng ibayong atensyon. Dumistansya rin muna sa mga taong nagsisilbing distraksyon sa iyo. Lucky number for today: 26

PISCES (February 19-March 20) – May tensyon sa pagitan mo at ng isang bagong karakter sa buhay mo. Kalma muna at mas makikita mo kung ano ang tunay mong nararamdaman. Lucky number for today: 50

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy