Una sa Balita

Horoscope 07/07/19

0 318

HOROSCOPE

ARIES (March 21-April 19) – Mala­king araw ito para sa iyo pero ‘wag mong solohin ang limelight. Bigyan din ng pagkakataon ang ibang tao na marinig at makita lalo na ang mga taong malaki ang naitulong para sa iyo. Lucky number for today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag nang mag-aksaya ng oras sa pagpaplano dahil ito na ang araw para umaksyon. Samantalahin ang pagkakataon para magawa mo ang isang matagal mo nang gustong gawin. Lucky number for today: 31

GEMINI (May 21-June 20) – Ang katotohanan ay magiging malinaw sa isang sitwasyon. Hindi masamang maging mas open sa iyong mga kaibigan pagdating sa tunay na nangyayari sa iyong buhay. May malaki silang maitutulong. Lucky number for today: 40

CANCER (June 21-July 22) – Nakakaramdam ka ng tensyon mula sa ilang tao na tila nagtutulong-tulong para kontrahin ka. Iwasang mapraning sa halip ay tanggapin ang mga pagbabagong kailangang maganap. Lucky number for today: 56

LEO (July 23-August 22) – Gamitin ang araw na ito para makipagkonek sa mga taong kapareho mo ng interes. May malaki silang magiging papel sa iyong mga pagsisikap para makamit ang mga totoo mong goals sa buhay. Lucky number for today: 33

VIRGO (August 23- September 22) – Maglaan ng oras para baguhin ang ilang aspeto sa buhay mo na hindi na nagwo-work para sa iyo. Iwanan ang mga bagahe na dala pa ng nakaraan. Lucky number for today: 55

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mas emosyunal ang araw na ito para sa iyo. Isang katotohanan na bahagi ng nakaraan ang magkakaroon ng linaw. Ito rin ang magbibigay daan para tuluyan ka nang makapag-move on. Lucky number for today: 13

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung may pagdedesisyon na kailangan gawin, tiyakin na gagawin mo ito dahil ito ang dikta ng iyong konsensya at hindi dahil ito ang gusto ng ibang tao. Pagdating sa buhay mo, ikaw ang dapat may hawak ng kontrol. Lucky number for today: 14

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga personal na isyung kailangang harapin ngayon. Manatili ring alerto sa gitna ng kaabalahan dahil sa mga hindi inaasahang sitwasyon. Lucky number for today: 35

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi lahat ng tao ay aayon sa iyong opinyon. Sikaping wag magpakita ng negatibong reaksyon. Sa halip tanggapin na bawat tao, kahit kapamilya mo, ay entitled sa sarili nilang pananaw. Lucky number for today: 15

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Rebisahin ang mga kailangan mong gawin. Meron isang maliit na detalyeng nakakaligtaan. Maari itong pagmulan ng aberya kung hindi maaaksyunan. Lucky number for today: 5

PISCES (February 19-March 20) – Importante ngayon na maipakita mo sa lahat kung ano ang tunay mong nararamdaman. Hindi mo kailangang magpakaplastik para lamang matanggap ng iba. Mas nararapat na tanggap mo ang sarili mo. Lucky number for today: 11

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy