Una sa Balita

Horoscope 07/06/2018

0 307

ARIES (March 21-April 19) – ‘Wag agad tanggihan ang hinihinging tulong sa iyo. Maaaring may benepisyo ka ring makuha sa pag-asisteng gagawin mo. Lucky number for today: 12.

TAURUS (April 20-May 20) – May ilang tao sa paligid mo na laging umaaktong kritiko sa bawat ginagawa mo. Sa halip na mapikon, gamitin ang kanilang mga komento bilang hamon sa iyong kakayahan. Lucky number for today: 54.

GEMINI (May 21-June 20) – May mga pressure kang natatanggap pero lahat ay kinakaya mo. Marami ang humahanga sa ipinakikita mong galing at magbubukas ito ng magandang oportunidad sa hinaharap. Lucky number for today: 31.

CANCER (June 21-July 22) – Maraming nakasuporta sa iyo. Sa mga aktibidad na pangmaramihan ay higit na lumalabas ang iyong husay. Maa­aring ang lakas na ito ay nagmumula sa isang natatanging inspirasyon. Lucky number for today: 22.

LEO (July 23-August 22) – Tanggapin na may ilang tao na gusto’y laging sarili nilang boses ang naririnig. Sa halip na maki­pagsabayan sa kanila, idaan na lamang ang pagpapakitang-gilas sa pamamagitan ng aksyon. Lucky number for today: 3.

VIRGO (August 23- September 22) – Mas makukuha mo ang hanap na suporta mula sa mga kaibigan kaysa sariling pamilya sa araw na ito. Unawain na lamang muna ang mga kapamilya, magbabago rin sila ng pa­nanaw sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 39.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Sa pagkakataong ito, higit na angkop ang ­kasabihang wala sa nalalaman mo kundi sa mga kilala mo nakasalalay ang tagum­pay. Gamitin ang mga koneksyon na ilang taon mo ring pinalalim. Lucky ­number for today: 42.

SCORPIO (October 23-November 21) – May mga nakakapansin na nakadistansya ka sa isang sensitibong isyu. ‘Wag magpaapekto sa mga naririnig na komento. Panindigan ang iyong posisyon. Lucky number for today: 51.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kung hindi ka lalapit at hindi ka hihingi, hindi ibibigay sa iyo ang tina-target mo. Laksan ang loob. Sa pagkakataong ito, hindi makatutulong ang panana­himik. Lucky number for today: 29.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Magtiwala sa sarili dahil dito nakasalalay kung makakamit mo ang tagumpay. May ilang distraksyon sa paligid na maaaring magpatagal lalo sa pagpupursige mo. Lucky number for today: 30.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nababanaag mo na ang pag-asa. Kaunti na lamang at abot-kamay mo na ang tagumpay. Huwag nang bibitaw. Lucky number for today: 11.

PISCES (February 19-March 20) – Sa pagsasabi ng katotohanan, ‘wag nang lumihis pa. Kahit maaaring masaktan ang taong kaharap mo, mas madali niyang matatanggap ang lahat kung wala ka nang isisikreto pa. Lucky number for today: 14.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy