Una sa Balita

Horoscope 07/03/2018

0 360

ARIES (March 21-April 19) – Mahirap para sa ngayon ang sumunod sa kagustuhan ng isang partikular na indibiduwal sa plano ninyong dalawa. Hindi masamang ipaglaban ang gusto mo pero sabihin ito sa paraang hindi ka makakasakit ng damdamin. Lucky number for today: 54.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi na ito ang araw para mag-isip. Kailangan mo nang umaksyon. Alam mong kailangan nang tapusin ang isang importanteng obligasyon. Lucky number for today: 53.

GEMINI (May 21-June 20) – Bago mo paniwalaan nang husto ang taong kaharap mo, tiyaking alam mo ang bawat sinasabi niya. Lalong papasok ang kalituhan kung hindi ka mag-iingat. Lucky number for today: 28.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi uubra sa iyo ngayon ang maghintay. Bago pa makapagbigay ng solusyon ang mga taong nasa paligid mo, nauna na ang solusyon mo. Lucky number for today: 2.

LEO (July 23-August 22) – Iwasan ang padalos-dalos na aksyon. Kailangang pag-isipan muna nang husto kung ano ang maaaring maging kahinatnan nito. Importang maghintay para makabuo ng matalinong desisyon. Lucky number for today: 4.

VIRGO (August 23-September 22) – Naibuhos mo na ang lahat ng kaya mong gawin. Ibigay naman ang iyong oras at atensyon sa taong matagal nang naghihintay. Lucky number for today: 17.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Komunikasyon ang magiging daan para makuha mo ang tina-target mo. Huwag sayangin ang oportunidad. Lucky number for today: 27.

SCORPIO (October 23-November 21) – Walang masamang idudulot kung tumanggi ka man sa pagmamadaling ipinipilit sa iyo ng ibang tao. Kung may ideya kang gustong ipaglaban, gawin ito. Lucky number for today: 41.

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Naghahanap ka ngayon ng atensyon mula sa taong espesyal sa buhay mo. Nais mo ring marinig na mahalaga ka rin sa kanya. Lucky number for today: 47.

CAPRICORN (December 22-January 19) – May tensyon na puwedeng mangyari kung ipipilit mo ang gusto mo taliwas sa gusto ng taong kaharap mo. Gayunpaman, kaya mo ring ayusin ang gusot na malilikha mo. Lucky number for today: 8.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Mataas ang kumpiyansa mo ngayon. Pero ang iyong pagdedesisyon ay hindi masyadong matalas. Maging ang mga simpleng bagay ay nagiging ­kom­p­likado sa pani­ngin mo. Lucky ­number for today: 48.

PISCES (February 19-March 20) – Makatutulong sa iyo ngayon na makiha­lu­bilo sa maraming tao kaysa mapag-isa. Mas marami ring ideyang puwedeng ikonsidera kasama ang mga taong pinagkakatiwalaan. Lucky number for today: 10.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy