Una sa Balita

Horoscope 06/22/19

0 286

ARIES (March 21-April 19) – Piliing manatili sa bahay kaysa lumabas at mapasabak sa gastos. Gamitin na lamang ang weekend para bigyan ng espesyal na atensyon ang iyong mga mahal sa buhay. Mas magiging inspirado ka kung makakapagpahinga. Lucky number for today: 19

TAURUS (April 20-May 20) – Makakapagpasaya ang isang balitang matagal mo nang inaabangan. May dahilan na para mag-celebrate. Gamitin ang araw na ito sa piling ng mga mahal sa buhay at espesyal na mga kaibigan. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi mahirap kunin ngayon ang kooperasyon ng mga kasamahan sa trabaho. Magandang senyales ito para masimulan ang isang bagong pagkakaabalahan. Maging ang iyong partner sa buhay ay may positibo ring balita. Lucky number for today: 55

CANCER (June 21-July 22) – Dagdag na responsibilidad ang posibleng ilapit sa iyo. Wala namang dapat ipangamba dahil handang-handa ka para rito. May maitutulong ang iyong partner. Lucky number for today: 17

LEO (July 23-August 22) – Gamitin ang araw na ito para sa iyong relasyon, lovelife man ito o isang espesyal na pagkakaibigan. Ayusin ang mga nangyaring gusot at muling magsimula. Gawing espes­yal ang araw na ito para sa iyong mahal. Lucky number for today: 2

VIRGO (August 23-September 22) – Isang taong mula sa malayo ang magbabalik at hatid niya ang positibong balita para sa iyo. Pumapabor sa mga plano ang araw na ito at matatanaw na ang inaasam mong pagkilala. Lucky number for today: 20

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May isang komprontasyon sa araw na ito na magsisilbing hamon para sa iyo. May gusto kang patunayan at kailangan mo itong gawin. Tanggapin ang isang pagbabago na nasa iyong harapan. Lucky number for today: 54

SCORPIO (October 23-November 21) – Buksan ang mata at isipan ngayong araw na ito. Maging alerto sa mga oportunidad at imbitasyon. Huwag padalos-dalos sa pagdedesisyon. Pag-aralang mabuti ang iyong mga opsyon. Lucky number for today: 7

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mag-aabot na ang pagod ng isip at katawan sa araw na ito. Dahil abot-kamay na ang weekend, samantalahin ang pagkakataong makapagrelaks. Huwag pagkaitan ang sarili. Lucky number for today: 48

CAPRICORN (December 22-January 19) – Ikonsidera lahat ng iyong mga plano at maging makatotohanan bago pa man magpatuloy. Kung matututukan nang maaga ang mga kakulangan nito, maiiwasan ang malaking aberya sa hinaharap. Huwag maging sarado ang isip. Lucky number for today: 6

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung may partner ka na, ingatang mahulog ang loob sa isang kaibigan. Bago pa man tuluyang lumalalim ang nararamdaman mong paghanga, isipin na agad kung may iba kang taong masasaktan. Ipokus muna sa iba ang atensyon. Lucky number for today: 16

PISCES (February 19-March 20) – Iwasan muna ang gumastos. Malakas man ang tukso para mag-shopping, hindi makatutulong ito sa iyong pinansyal na sitwasyon. Paghandaan ang mga darating na araw. Lucky number for today: 21

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy