Una sa Balita

Horoscope 06/20/19

0 303

ARIES (March 21-April 19) – Isang pagbibiyahe ang magbubukas ng bagong pinto para sa romansa. Kung may partner ka na, dumis­tansya agad dahil malakas ang kaway ng tuksong parating. Magandang oportunidad naman ito para sa naghahanap pa lamang ng mamahalin. Lucky number for today: 12

TAURUS (April 20-May 20) – Isang oportunidad para sa bagong trabaho ang ilalapit sa iyo. Ang tanong ay kung kaya mong iwan ang kasalukuyan mong trabaho. Hingin ang payo ng mga malalapit na kaibigan para mas makapagdesisyon nang tama. Lucky number for today: 14

GEMINI (May 21-June 20) – Mahirap ipaliwanag ang iyong ipinupunto kung ipagpipilitan ang panig mo. Kailangang balansehin din ang pakikipag-usap at ikonsidera ang damdamin ng taong kaharap. Maging mas sensitibo sa kanyang pinagdaraanan. Lucky number for today: 46

CANCER (June 21-July 22) – Paborable ngayon ang makipagtulungan sa isang kapartner. Mas malaki ang oportunidad na magkaroon ng dagdag na kita kung magkakaroon ng mahigpit na koo­perasyon sa iyo at sa mahal mo. Sa pagkakataong ito, hindi paborable ang makalumang paniniwala. Lucky number for today: 18

LEO (July 23-August 22) – Kailangang ikaw ang gumawa ng inisyatibo ngayong araw na ito lalo na kung naiinip ka na sa pag-aksyon ng iba. Walang masyadong oposisyon sa paligid kaya mas malaki ang pagkakataon na magpakitang gilas. Lucky number for today: 42

VIRGO (August 23-September 22) – Pampatanggal stress ang hatid ng isang bagong inspirasyon. May pagkakataon ngayon na kaila­ngan mo ring ipagtanggol ang iyong paniniwala. Sa isang paulit-ulit na problema, kailangan mo na ng bagong approach. Lucky number for today: 9

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang magandang balita ang matatanggap. Makakatulong ito sa kalagayang pinansyal. Pagdating sa pera, umiwas bumili ng mamahaling gadgets. May mas mahalagang bagay na dapat paglaanan. Lucky number for today: 56

SCORPIO (October 23-November 21) – Paborable ngayon ang paglipat. Kung may pinaplano kang paglipat ng bahay o trabaho, ngayon ang tamang oportunidad para rito. Isang taong may mataas na posisyon at malapit sa iyo ang aalis. Magdudulot ito ng ilang kalituhan. Lucky number for today: 14

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May kaguluhan at may kinalaman ito sa iyong emosyon. May mga pagbabago pero ito ay may positibong hatid sa iyo. Sa aspeto ng career, may na­raramdamang pagsasawa o pagkapagod sa trabaho. Lucky number for today: 33

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi ito ang oras para makipagsisihan. Ang isang resultang nasa harap mo ay hindi kasing ganda ng inasahan mo pero may magagawa ka pa para baguhin ito. Kaunting adjustment lamang ang kailangan sa isang napagplanuhan. Lucky number for today: 20

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ikonsidera ang iyong instinct pagdating sa isang sensi­tibong sitwasyon. Posibleng masorpresa sa isang pagbabago. Hindi agad ito babagay sa panlasa mo pero bigyan ito ng sapat na pagkakataon. Lucky number for today: 6

PISCES (February 19-March 20) – Pagsikapang malagpasan lahat ng hadlang na tila sadyang inilalagay sa iyong daan. Isang taong malapit sa iyo ang tila nagiging pabigat. Sa kasalukuyan, wala kang ibang opsyon kundi ang patuloy na makisama.­ Lucky number for today: 29

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy