Una sa Balita

Horoscope 06/19/2019

0 330

ARIES (March 21-April 19) – Mababawasan ang pagiging abala ngayon at sa mga susunod na araw. Gamitin ang pagkakataong ito para makapagrelaks at mabawasan ang tensyon na idinulot ng mga nagdaang araw. Lucky number for today: 26

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi lahat ng nakikita mo ay totoo. Maraming pagkukunwari sa iyong paligid at kaila­ngan mong maging alerto para maiwasang masaktan. ‘Wag agad magtiwala sa ipinakikitang kabutihan ng isang bago pa lamang na nakakalapit ng loob. Lucky number for today: 36

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasan munang magsuspetsa nang walang matibay na dahilan. Sa halip na maghanap ng mali, maghanap ng tama. Importanteng magpokus ka muna sa mga positibong pangyayari kaysa nega­tibo. Lucky number for today: 4

CANCER (June 21-July 22) – Anumang sitwasyon ang maranasan mo ngayon, iwasang mapikon sa taong kaharap mo. Walang benepis­yong idudulot ang mga emosyunal na reaksyon. Sa halip, ikaw lamang ang magmumukhang masama kaya kalma lang. Lucky number for today: 50

LEO (July 23-August 22) – Mag-i-improve na ang anumang relas­yon—sa kaibigan o sa partner sa buhay. Marami ring positibong ideya ang nabubuo sa iyong isip. Huwag nang magdalawang-isip, umpisahan na itong gawin. Lucky number for today: 40

VIRGO (August 23- September 22) – Nasa punto ka na kung saan kailangan mong isipin kung tama ba ang ginagamit mong estratehiya. Pag-aralang mabuti ang iyong kakayahan at kinakaharap na dapat gawin. Lucky number for today: 1

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Isang pagbabago ang magiging daan para makatrabaho mo ang isang taong higit na kakaiba ang talento kumpara sa iyong sarili. Magiging maganda ang resulta nito at marami ka pang matututuhan kaya samantalahin ang pagkakataon. Lucky number for today: 23

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang nagawa mo noong mga unang bahagi ng taon ay magpapakita na ng resulta. Walang dapat ipangamba dahil kung batid mong kabutihan ang mga naging prayoridad mo ay pawang posi­tibo ang aanihin ngayon. Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sinumang magtangkang sirain ang iyong espesyal na araw ay mabibigo. Pumapabor ang araw na ito at ang mga susunod pa para magawa ang iyong mga plano. Laging gawing prayoridad ang mga mahal sa buhay. Lucky number for today: 51

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mas madali mo ngayong maisusulong ang lahat ng plano mong may kinalaman sa iyong career. Pinapaboran din ang aspeto ng komunikasyon. Pagdating sa relasyon, mas malaki ang potensyal na mas lumalim pa ang iyong commitment. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (January 20-February 18) – Marami ang naiintriga sa iyo ngayon kaya kahit ang mga taong likas na mapili ay makikiayon sa iyong mga plano. Isang relasyon ang manlalamig kung hindi ka magbubuhos ng effort para isalba ito. Lucky number for today: 47

PISCES (February 19-March 20) – May dagdag na responsibilidad na may kinalaman sa pamilya. Hindi ka mahihirapan kung hihingi ka ng pag-alalay sa ibang kapamilya. Isang bagong kakilala ang makaka-match mo sa ugali at personalidad. Lucky number for today: 55

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy