Una sa Balita

Horoscope 06/17/19

0 312

ARIES (March 21-April 19) – Kung may uumpisahan ka ngayon, malamang na isuko mo rin ito pagkaraan lamang ng ilang araw. Pabago-bago ang mood mo ngayon kaya makabubuting ipagpa­liban ang mga mabibigat na gawain. Lucky number for today: 5

TAURUS (April 20-May 20) – Mas mataas ngayon ang emosyon at maaaring makapagsalita ka nang hindi mo naman talaga intensyon. Kung ayaw mong may pagsisihan, kontrolin muna ang bibig. Lucky number for today: 33

GEMINI (May 21-June 20) – Walang dahilan para humingi ng paumanhin kung hindi mo man gusto ang isang tao at kung ayaw mo siyang makasama. Hindi masamang magpakatotoo. Mapapatunayan mong tama ang iyong kutob sa mga darating na araw. Lucky number for today: 23

CANCER (June 21-July 22) – Isang taong hindi kumbinsido na karapat-dapat ka sa nakukuha mong tagumpay ang magpaparamdam ngayon. Iwasan na lamang pumatol kahit anumang patutsada ang kanyang iparating. Lucky number for today: 6

LEO (July 23-August 22) –  Maaaring makaramdam ka ng pagkapikon sa isang kaibigan o kasamahan. Pero mas makabubu­ting ‘wag maging berbal sa iyong reaksyon. Maaari itong pagmulan ng matinding drama. Lucky number for today: 1

VIRGO (August 23- September 22) – May iaalok sa iyo na sa tingin mo ay kulang at hindi mo deserve. ‘Wag itong tanggapin sa halip ay iparamdam na hindi ito sapat sa serbisyong inaasahan nila mula sa iyo. Lucky number for today: 42

LIBRA (September 23-October 22) –Hindi mo kailangang magpakitang gilas o magpa-impress sa mga kasamahan mo sa trabaho. Alam na nila ang kakayahan mo. Mabibigo ka lamang kung patuloy kang maghihintay ng pagkilala. Lucky number for today: 21

SCORPIO (October 23-November 21) – May tukso ngayon na gumawa ng hindi mo karaniwang ginagawa. Labanan ito para walang pagsisihan. Kontrolin din ang salita para hindi masangkot sa anumang gulo. Lucky number for today: 6

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Mabibigyan ka ng pagkakataon na makatulong o maka­gawa ng isang bagay na sadyang makabuluhan. May mga taong mabibiyayaan sa iyong talentong taglay. ‘Wag ipagkait ang iyong panahon sa ganitong gawain. Lucky number for today: 55

CAPRICORN (December 22-January 19) – ‘Wag ma-guilty sa mga pagkakataong nabubuksan para makapagsaya ka. Maaaring hindi ito ikatuwa ng ibang tao. Pero kailangan mo ring irelaks ang iyong isip at unahin ang iyong sarili. Lucky number for today: 56

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung ang ini-expect mong mangyari ay negatibo, malamang na ganito na ang kahantungan ng mga pangyayari. Mas makabubuting sika­ping maging positibo sa lahat ng pagkaka­taon. Lucky number for today: 36

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ito ang oras para magmadali sa pagbibitaw ng desisyon na may kinalaman sa iyong pamilya at sa iyong career. Mara­ming opsyon pero makabubuting pag-isipan nang husto ang lahat. Lucky number for today: 9

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy