Una sa Balita

Horoscope 06/16/19

0 273

ARIES (March 21-April 19) – Hindi ka komportableng ipa­kita ang iyong emotio­nal side pero mas magiging open ka ngayon sa iyong mga kapamil­ya at malalapit na kaibigan. Makabubuting mailabas mo kung anuman ang nagpapabigat sa dibdib. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag tanggihan ang isang imbitasyon dahil lamang sa isang trabahong kailangan mong matapos. Bigyan ng oras ang pagrerelaks at makikita mong mas mabilis kang makapag-isip. Lucky number for today: 18

GEMINI (May 21-June 20) – Mahalaga ang mga nangyayari ngayon at sa mga susunod na araw. Pag-isipang mabuti ang isang isyu na may kinalaman sa pananalapi. Kapag madaling kumita, mas madali ring gumastos. Lucky number for today: 50

CANCER (June 21-July 22) – Hindi ka masyadong abala ngayon kaya puwede nang pagplanuhan ang mga kailangan mong gawin sa nalalapit mong birthday. Pagbigyan ang sarili lalo na kung may kinalaman ito sa isang pagbibiyahe. Lucky number for today: 14

LEO (July 23-August 22) – Hindi mangyayari ang kinatatakutan mo. Magrelaks para mas magawa mo ang mga nararapat. May kasiyahang naghihintay at hindi ito dapat iwasan. Lucky number for today: 10

VIRGO (August 23-September 22) – Mapapatunayan mo sa lahat na hindi sarado ang isip mo. Salubu­ngin ang pagbabago nang walang takot sa puso. Parating na ang mga hinihintay mong tagumpay. Lucky number for today: 56

LIBRA (September 23-October 22) – Anumang ginagawa mo at anumang sinasabi mo ay mag-iiwan ng matinding tatak sa isip ng mga taong nakapaligid sa iyo. Ingatan ang mga komento dahil posibleng maging dahilan ito ng pagkaputol ng isang magandang samahan. Lucky number for today: 40

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas kumpiyansa ka ngayon at nakikita ito ng mga tao sa iyong paligid. Mas marami kang magagawa sa araw na ito. Makukuha mo ang kooperasyon ng lahat kung nauunawaan nila ang gusto mong mangyari. Lucky number for today: 31

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May mga taong hindi laging nakakatupad sa kanilang pangako at commitments. ‘Wag mong igaya ang sarili mo sa kanila. Ipakita mong kaya mong tuparin ang lahat ng sinabi mo. Lucky number for today: 35

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Importante ngayon ang team work. Hindi rin kailangang ikaw lagi ang lider. May pagkakataong mas paborableng maging tagasunod muna para makapagpokus ka nang husto sa mga dapat mong gawin. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Oras na para harapin ang mga naiwang trabaho. Naghihintay ang reward at maging ang pagkilala ng mga taong dating nagmamaliit sa iyong kakayahan. ‘Wag susurender anuman ang aberyang madaa­nan. Lucky number for today: 19

PISCES (February 19-March 20) – Nalalapit na ang araw na hinihintay mo. May linaw nang natatanaw sa iyong mga plano at ambisyon sa buhay. Isang pagkakaibigan naman ang puwedeng magtapos at maaring ito’y dahil sa kawalan ng oras. Lucky number for today: 1

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy