Una sa Balita

Horoscope 06/14/19

0 393

ARIES (March 21-April 19) – Duma­ting na ang pagkakataong hinihintay mo lalo na sa aspeto ng romansa. Kung single ka pa, ito na ang tsansa mo para mapansin ng iyong mahal. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag kang magpadala sa pressure lalo na pagdating sa mga maliliit na isyu lamang. Sabihin kung ano ang nasa isip mo para maumpisahan nang mag-move on. Lucky number for today: 27

GEMINI (May 21-June 20) – Tanggapin ang mga nangyayari sa buhay mo ngayon. Inaakala mong hindi­ ka pa handa pero kaya mong harapin ang lahat ng hamon. Magpakatatag lamang. Lucky number for today: 8

CANCER (June 21-July 22) – Bigyan ng pagkakataon ang luma­lapit sa iyong mga potensyal na mamahalin. Hindi mo makikilala ang isang tao kung hindi mo siya bibigyan ng panahon at atensyon. Lucky number for today:­ 38

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag nang magulat kung mara­ming admirers ang nagpapahiwatig nga­yon. Mas malakas ang taglay mong karisma at para kang magnet na humahatak ng espesyal na atensyon. Lucky number for today: 11

VIRGO (August 23-September 22) – Ang lahat ay nakikiayon sa mga plano mo ngayon. Maging ang aspeto ng iyong lovelife ay mas magi­ging makulay at lalo pang iinit. ‘Wag munang kumontra sa mga nangyayari. Lucky number for today: 17

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Maraming puwedeng mangyari. Anumang pigil ang gawin mo, may mga nakatakda na hindi mapipigilan. ‘Wag isarado ang isip sa mga posibilidad. Lucky number for today: 13

SCORPIO (October 23-November 21) – Magpokus sa mga partnership lalo na kung may kinalaman sa negosyo o anumang pagkakakitaan. May pagkakataon ka rin para magkaroon ng special bonding sa isang espesyal na indibidwal. Lucky number for today: 49

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi masamang ikaw na ang maunang kumilos lalo na kung may kinalaman sa lovelife. Hindi ito ang araw para pairalin ang hiya at mangibabaw ang pride. Kung gusto mong sumaya, hindi puwedeng manahimik sa isang sulok. Lucky number for today: 35

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mabagal ngayon­ ang takbo ng mga pangyayari at maaari kang madismaya sa mga nangyayaring ­aberya. Gayunpaman, ang gabi ay magbibigay ng sorpresa sa aspeto ng iyong lovelife. Lucky number for today: 29

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Puwedeng mapasok ng kalituhan ang iyong lovelife. Magrelaks lang at ‘wag munang salungatin ang mga pangyayari. Magiging malinaw sa iyo ang lahat sa mga darating na araw. Lucky number for today: 37

PISCES (February 19-March 20) – Ikaw lamang ang may kontrol sa iyong kapalaran. Anuman ang komento ng iba, hindi na dapat seryosohin. Sa halip patunayan mo na nasa tamang direksyon ka. Lucky number for today: 43

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy