Una sa Balita

Horoscope 06/14/19

0 314

ARIES (March 21-April 19) – Itikom muna ang bibig kahit gigil ka nang punahin ang ilang tao sa paligid mo. May pagbabagong magaganap sa iyong mga plano kaya magpokus muna at dedmahin na lamang ang mga pasaway sa paligid. Lucky number for today: 29

TAURUS (April 20-May 20) – May mga taong malakas ang loob na makipagsapalaran o sumugal. Hindi mo kailangang makipagsaba­yan sa kanila. Hindi masamang maging maingat sa lahat ng pagkakataon lalo na kung hindi ka sigurado sa pinapasok mo. Lucky number for today: 2

GEMINI (May 21-June 20) – Ang araw na ito ang magpapaalala sa iyo na meron tala­gang mga limitasyon at restriksyon na kailangan mong ikonsidera. Mag-ingat sa pagdedesisyon dahil puwede kang mapasubo. Lucky number for today: 43

CANCER (June 21-July 22) – Hindi lahat ay makakaya mong kunin at hindi lahat ay ibibigay sa iyo. Tanggapin na may tao o may bagay na hindi mo talaga makukuha at mag-move on. Lucky number for today: 4

LEO (July 23-August 22) – Iwasang mag-shortcut, lalo ka lamang magtatagal dahil sa bandang huli ay kakaila­nganin mong ulitin ang lahat ng minadali mo. Sa araw na ito, mas paborable ang maghinay-hinay. Sabi nga nila, slowly but surely. Lucky number for today: 30

VIRGO (August 23-September 22) – May hatid na stress ang anumang pakiki­pag-usap sa mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Marami kang hindi inaayunan sa kanilang mga plano at ideya. Pero sa pagkakataong ito, kailangan mong makibagay. Lucky number for today: 54

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Hindi masamang pagbigyan ang kagustuhang sumabak sa ilang adventure pero kailangan mo ring ikonsidera ang limitasyon ng partner mo. Kung igigiit ang iyong kagustuhan, posibleng magkalayo kayo ng loob. Lucky number for today: 25

SCORPIO (October 23-November 21) – Kahit anong pagmamadali ng mga tao sa paligid mo, hindi mo kailangang mag-rush. Nasa tamang pacing ka at sasakto ka lamang sa deadline na itinakda mo kaya chill-chill lang. Lucky number for today: 5

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Pakaiwasang masabit sa anumang tensyon at gulo. Masusubukan ngayon ang iyong pasensya. Diplomasya pa rin ang kailangang pairalin. Lucky number for today: 19

CAPRICORN (December 22-January 19) – Maaaring buma­ba ngayon ang iyong energy. Mahirap pagsabay-sabayin ang lahat. Piliin lang ang iyong mga prayoridad at doon ka muna magpokus. Makapaghihintay ang iba. Lucky number for today: 14

AQUARIUS (January 20-February 18) – Gusto mong magrelaks at makipagsaya sa mga kaibigan ngayon. Pero kailangang unahin ang ilang obligasyon na matagal mo nang napapabayaan. Umiwas muna sa mga distraksyon. Lucky number for today: 2

PISCES (February 19-March 20) – Gawin ang lahat para hindi malagay sa alanga­nin ang iyong lovelife. Masyadong sensitibo ngayon ang iyong mahal at maaaring maungkat muli ang mga dati nang sama ng loob. Lucky number for today: 16

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy