Una sa Balita

Horoscope 06/12/2019

0 308

ARIES (March 21-April 19) – Isan­tabi ang emosyon at kalimutan muna ang galit. ‘Wag husgahan ang isang tao dahil sa nararamdaman mo sa halip ay base sa kanyang ginagawa. Ma­ging parehas sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 56

TAURUS (April 20-May 20) – Kung sinasabi ng iba na hindi mo kaya, mas dapat mong patunayan na mali sila ng iniisip sa iyo. Alam mo kung ano ang kakayahan mo pero pagdating ng pagkakataon hindi mo ka­yang maging handang aminin ito. Lucky number for today: 19

GEMINI (May 21-June 20) – Madaming nangyayaring positibo sa buhay mo ngayon at dahil dito, marami ring taong gustong makipag­lapit sa iyo. Piliin lamang ang mga taong dapat mong pagkatiwalaan. Lucky number for today: 1

CANCER (June 21-July 22) – Kontrolado ka sa araw na ito pero habang naiipon ang iyong kinikimkim na emosyon, darating ang oras na makakapagsalita ka rin. Tiyakin lamang na magi­ging objective ka ‘pag nangyari ito at iwasang mangibabaw ang drama. Lucky number for today: 36

LEO (July 23-August 22) – Ang mga taong nag-iisip na hindi mo kayang ipaglaban ang iyong interes ay nagkakamali ng akala. Maaaring hindi ka nila ganap na kilala. May sorpresang naghihintay sa mga taong ito. Lucky number for today: 49

VIRGO (August 23-September 22) – Magtiwala sa iyong instinct. Ikaw ang higit na nakakasukat sa iyong kakayahan. Hindi mo kailangan ang tulong ng iba. Sa pagkakataong ito, kaya mong magsolo mula umpisa hanggang ka­tapusan. Lucky number for today: 18

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Ikaw na ang maunang umaksyon at magtangkang ayusin ang gulo o samaan ng loob. Makikita mong matagal na ring naghihintay sa iyo ang taong ito. Gawin ang lahat para maumpisahan nang makapag-move on. Lucky number for today: 6

SCORPIO (October 23-November 21) – Isang tao ang mag-aalok sa iyo ng magandang deal pero tiyakin muna na tatagal ito at hindi pangmadalian lamang. Bago mo ibuhos ang iyong effort, tiyakin muna ang iyong pinapasok. Lucky number for today: 21

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Lahat ay gustong maging kaibigan ka ngayon. Kaya higit mong kaila­ngang maging alerto. Tandaan na ang mga tunay na kaibigan ay hindi palahingi. Lucky number for today: 51

CAPRICORN (December 22-January 19) – May mga bagay na sadyang hindi pa oras para makuha mo. ‘Wag ikasama ng loob kung may ilang kabiguan. Maaaring iniha­handa ka lamang sa mas malaki pa at mas bagay para sa iyo. Lucky number for today: 42

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung may reklamo ka, sabihin ito ngayon. Habang kinikimkim mo ito ay lalo ka lamang nag-iinit at nagiging emosyunal. Lakasan ang loob at sabihin ang mensaheng kailangang iparating. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – Nakakaramdam ka ng pagkadismaya sa isang taong malapit sa iyo. Pero posibleng ang tinitingnan mo lamang ay ang kasalukuyan at ang mga nagawa niya sa nakaraan ay iyong nakalimutan. Lucky number for today: 31

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy