Una sa Balita

Horoscope 06/09/19

0 178

ARIES (March 21-April 19) – Kahit ang iyong mga katunggali ay kaya mong paha­ngain ngayon. Makikita nila na hindi ka mada­ling sumuko sa laban. Ang bawat pagsubok ang nagpapalakas sa iyo. Lucky number for today: 30

TAURUS (April 20-May 20) – ‘Wag pa­kinggan ang mga taong minamaliit ang iyong kakayahan. Kahit ano pang limitasyon ang iyong nakakaharap ay kaya mong lagpasan kung patuloy kang magtitiwala sa iyong sariling kakayahan. Lucky number for today: 3

GEMINI (May 21-June 20) – Kung ang dati mong ginagawa ay hindi na umuubra, senyales ito na meron ka nang dapat palitan. Hindi madali ang bawat pagbabago pero ito ang makaka-challenge at muling magpapasigla sa iyo. Lucky number for today: 6

CANCER (June 21-July 22) – Nakapokus sa love ang iyong isip ngayon. Isang indibi­dwal na bagong dating lang sa buhay mo ang nagpapakulay ng iyong mundo. Kung wala pang ibang taong masasaktan, hindi masamang pagbigyan ang nararamdaman. Lucky number for today: 50

LEO (July 23-August 22) –  Kung meron kang naumpisahan, hindi mo ito dapat talikuran. Pagplanuhang mabuti ang mga dapat gawin para makamit ang tagumpay. May mga aberya man sa daan, walang dahilan para maagang sumuko. Lucky number for today: 56

VIRGO (August 23-September 22) – Isang suhestyon ng malapit mong kaibigan ang hindi mo agad matatanggap. Pero kapag pinag-isipan ito nang mabuti, makikita mong may potensyal ang kanyang ideya at walang mawawala sa iyo kaya maaari mo itong ikonsidera. Lucky number for today: 7

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Isang kabutihang nagawa mo sa nakaraan ang aani ngayon ng magandang blessing. Hindi mo ito inaasahan pero may malaki itong maitutulong sa kasalukuyan mong sitwasyon. Lucky number for today: 12

SCORPIO (October 23-November 21) – Hindi ka agad makakapayag sa isang bagay na gustong ipagawa sa iyo. Pero mare-realize mo rin na kaya mo itong gawin at may excitement itong inihahatid sa iyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaila­ngang magseryoso. Lucky number for today: 40

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Importante ngayon na gawin ang tama lalo na at mara­ming taong nagmamasid sa iyo. Ang mga taong ito ay nasa tamang posisyon para tulungan kang makaangat kaya ibigay ang best effort. Lucky number for today: 3

CAPRICORN (December 22-January 19) – Isang ideya mo ang ikagugulat ng nakararami dahil hindi sila ang nakaisip nito. Marami kang mapapahanga kung maayos mong magagawa ang trabahong iniatang sa iyo. Wag munang padala sa ilang distraksyon. Lucky number for today: 20

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Hindi masamang makipagsapalaran nga­yon. May nararamdaman kang pangamba pero kung hindi ka susubok sa bago, mananatili ka na lamang nag-iisip kung makakaya mo ito. Lucky number for today: 5

PISCES (February 19-March 20) – Hindi ka magkukulang sa kumpiyansa ngayon. Iwasan lamang na magpatangay sa ilang distraksyon para maiwasan ang anumang a­berya. May romantikong pangyayari na maaring ikawalang iyong pokus. Lucky number for today: 30

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy