Una sa Balita

Horoscope 06/08/19

0 279

ARIES (March 21-April 19) – Anuman ang kailangan mong gawin ngayon, tiyaking mag-eenjoy ka. May mga kaila­ngan kang harapin at magiging epektibo ka. Bawat hamon ay hindi mo kayang talikuran. Lucky number for today: 16

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi lahat ay puwede mong maging kaibigan. May mga taong hindi sad­yang bagay sa iyong personalidad kaya ‘wag nang pilitin ang sarili at magpakatotoo na lamang sa lahat ng nakakaharap mo. Lucky number for today: 31

GEMINI (May 21-June 20) – Ang lahat ng target mo ay maaaabot mo. Wala kang dapat aksayahing oras. Ang iyong self-confidence ang nagi­ging magnet sa mga tao sa iyong paligid. Lucky number for today: 52

CANCER (June 21-July 22) – Mapapansin mong mas maamo sa iyo ngayon ang suwerte. Samantalahin ang mga dumarating na oportunidad para maipakita mo ang iyong creative side. Lucky number for today: 11

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag munang magbigay ng konklusyon hanggang hindi ka sigurado sa nangyayari. May mga ideya ka sa mga taong kaharap mo pero wala kang sapat na basehan kaya makabubu­ting itikom muna ang bibig. Lucky number for today: 4

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi lahat ay tulad mo kung mag-alala at mag-care sa mga tao sa iyong paligid. Hindi rin lahat ay umaayon sa mga ginagawa mo pero wag na lamang silang pansinin. Lucky number for today: 24

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Sadyang mataas ang ambisyon mo kum­para sa iba. Hindi mo dapat ibaba ito para lamang maging katanggap-tanggap sa lahat. Magpakatotoo sa iyong sarili. Lucky number for today: 43

SCORPIO (October 23-November 21) – Mas gusto mo ngayon na mapag-isa pero may ibang ideya ang iyong partner at hindi masamang pakinggan siya. Makikita mong mas mag-e-enjoy ka na may kasama. Lucky number for today: 17

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ang importante ngayon ay tuluyang mag-move on. ‘Wag mong haya­an ang ibang taong nagpapabagal sa mga dikarte mo. Sukat mo ang iyong kakayahan at abilidad. Lucky number for today: 51

CAPRICORN (December 22-Janua­ry 19) – Hindi masamang maging alerto pero sa pagkakataong ito kailangan mo ring ipakita ang iyong pagtitiwala. Hindi mo kakayaning gawin ang lahat kung mag-isa ka lamang. Lucky number for today: 17

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – Kaya mong mag-adapt at magbago alinsunod sa mga sitwasyong kinakaharap. ‘Wag isarado ang isip sa mga pagbabagong nagaganap. Kailangan mong makipagsaba­yan. Lucky number for today: 46

PISCES (Februa­ry 19-March 20) – Dedma muna sa mga taong gusto kang magseryoso. Sa araw na ito kailangan mo ring makapagsaya. Hindi mo kailangang sumimangot para lamang ipakitang nakapokus ka sa iyong mga pinagkakaabalahan. Lucky number for today: 10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy