Una sa Balita

Horoscope 06/06/19

0 269

ARIES (March 21-April 19) – Maaaring kailanganin mo ngayong unahin ang pangangailangan ng iba bago ang sarili mo. Hindi ka naman madedehado dahil may magandang biyayang naghihintay. Pinagpapala ang mga may mabuting kalooban. Lucky number for today: 22

TAURUS (April 20-May 20) – Mabilis ang dating ngayon ng mga ideya kaya kailangang isulat mo at nang hindi makalimutan. Isa sa mga ideyang ito ang may malaking maitutulong sa mga plano mo. ‘Wag sayangin ang pagkakataon. Lucky number for today: 41

GEMINI (May 21-June 20) – Anumang aktibidad na may kinalaman sa negosyo ay papaboran ngayon. Maaaring may pagka­talo pero mas malaki pa rin ang panalo. Mabilisang aksyon ang kailangan at pagkaka­taon mo nang madagdagan ang iyong pana­nalapi. Lucky number for today: 45

CANCER (June 21-July 22) – Unahin kung alin ang mas importante para sa iyo. ‘Wag paapekto sa mga distraksyon para hindi ka malihis ng direksyon. Sundin ang lahat ng napagplanuhan. Lucky number for today: 5

LEO (July 23-August 22) – Walang dahilan para mag-worry sa mga bagay na wala sa iyong kontrol. Sa halip na pag-aksayahan ng oras ang mga hindi mo maiaa­yos, magpokus ka na lamang sa mga kaya mo. Move on agad. Lucky number for today: 56

VIRGO (August 23-September 22) – Marami ngayon ang gustong makasama ka at kasama na rito ang ilang indibidwal na hindi mo pinagtitiwalaan. Manatiling alerto sa mga posible nilang gawin. Lucky number for today: 10

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Walang dahilan para magduda kung napapansin at pinupuri ka ngayon ng mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Deserve mo ang kanilang pagkilala. Ipagpatuloy lamang ang magandang nasimulan. Lucky number for today: 10

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung naghahanap na ng bakasyon ang katawan mo, mag-isip na ng puwedeng puntahan. ‘Wag nang hintayin pang sumuko ang iyong katawan sa araw-araw na pressure. Pahinga rin ‘pag may time. Lucky number for today: 29

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Wala nang panahon para umatras sa isang commitment na ilang araw mo nang natanguan. Kung hindi mo man magustuhan ang resulta, sa susunod ay iwasan na lamang mangako. Lucky number for today: 39

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung may kailangan kang pabor o maaaring loan sa isang kaibigan, gamitin ang araw na ito para magsabi sa kanya. Madali mo siyang makumbinsi kung makikita n’ya ang iyong sinseridad. Lucky number for today: 11

AQUARIUS (January 20-February 18) – Tapusin na ang mga obligasyon na nagpapahirap sa iyong kalooban. Gawin na itong prayoridad para tuluyan mo nang maisara at maharap mo na ang mga gusto mong gawin. Lucky number for today: 17

PISCES (February 19-March 20) – Kailangan mo nga­yong maging istrikto sa isang kasamahan. Hindi na uubra ang ginagawa n’yang pagpapasa sa iyo ng bigat ng mga gawain. Dapat mong igiit ang iyong karapatan. Lucky number for today: 9

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy