Una sa Balita

Horoscope 06/05/19

0 286

CRYSTAL GAZER

ARIES (March 21-April 19) – Kung dati-rati ay ikaw ang buhay ng isang party, ngayon ay mas gusto mong mapag-isa. Bagama’t hindi sang-ayon ang lahat sa iyong pananahimik, kailangang panindigan ang iyong kagustuhan. Lucky number for today: 40

TAURUS (April 20-May 20) – Gawin ang anumang gustong gawin at ‘wag magpadikta sa mga tao na may ibang gustong ipagawa sa iyo. Hindi mo kailangang magpaliwanag. Matatanggap din ng lahat ang iyong pasya. Lucky number for today: 34

GEMINI (May 21-June 20) – Kaila­ngan mo pang makipag­laban para mapansin ngayon. Nag-e-enjoy ka naman sa bawat hamon na kinakaharap dahil lalo itong nagpapalutang sa iyong galing. May biyayang pinansyal na parating. Lucky number for today: 13

CANCER (June 21-July 22) – Burahin na ang anumang isyung ilang araw nang buma­bagabag sa iyo. Panatilihin ang kumpiyansa sa sarili. Walang negatibong epekto ang ginawa mo sa mga nagdaan. Lucky number for today: 57

LEO (July 23-August 22) – Kung susubukan mo lamang makipagkaibigan sa isang taong itinuturing na karibal, makikita mong wala talaga kayong dapat pag-awayan. Sa pagkakataong ito, masasabing opposites attract. Lucky number for today: 12

VIRGO (August 23-September 22) – May pagkakataong hindi mo makukumpleto ang isang trabaho kung walang tutulong sa iyo. Hindi ito nangangahulugang hindi ka magaling kaya ‘wag nang pairalin ang pride. Lucky number for today: 1

LIBRA (September 23-October 22) – Masyado mong pinu-push ang sarili mo kaya naman dapat samantalahin ang araw na ito para maka­bawi ng lakas. Tiyaking makakapagrelaks ka at iwasang gumawa ng anuman. Lucky number for today: 3

SCORPIO (October 23-November 21) – Ngayon ang magandang pagkakataon para isipin kung ano ang dapat mong baguhin para sa iyong mga future goal. Habang tumataas ang ambisyon, kailangan din ng mga kaukulang adjustment. Lucky number for today: 15

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Sinumang magtatangkang magsamantala sa iyo ay magsisisi. Maigsi lamang ang pasensya mo ngayong araw na ito kaya makabubuting tumabi-tabi muna ang mga pasaway. Lucky number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – ‘Wag masyadong maging balat-sibuyas lalo na sa mga komentong mula sa iyong mga pamilya at kaibigan. Tiyaking alam mo ang buong kuwento bago magdrama. Lucky number for today: 7

AQUARIUS (January 20-February 18) – Bigyan ang iyong sarili ng sapat na oras para tapusin ang ilang naumpisahan. Pagkakataon mo na ngayon para makapagpokus. Marami nang deadline na naghihintay. Lucky number for today: 28

PISCES (February 19-March 20) – Anuman ang iyong pinagkakaabalahan, tiyaking may nararamdaman ka pang kasiyahan. Kung wala kahit katiting na sigla sa puso mo, pag-isipan kung dapat ka pang magpatuloy o dapat nang magpatupad ng pagbabago. Lucky number for today: 51

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy