Una sa Balita

Horoscope 06/03/2018

0 357

ARIES (March 21-April 19) – Ang simpleng pagtatalo ay puwedeng mauwi sa malalim na hidwaan. Isa sa inyo ang kailangang magbigay. Kung ikaw ito, lunukin muna ang pride. Lucky number for today: 24.

TAURUS (April 20-May 20) – Ngayon mo mare-realize ang halaga ng isang tao o isang bagay na pinakawalan mo na. Kung wala nang paraan para maibalik ang dati, umpisahan nang maghanap ng alternatibo. Lucky number for today: 4.

GEMINI (May 21-June 20) – Sa isang relasyon, maaari mong maramdaman na parang one-sided lamang ang pagmamalasakit. Bago ito pagmulan ng hindi pagkakaunawaan, sabihin muna ito sa kinau­ukulan. Lucky number for today: 1.

CANCER (June 21-July 22) – Maaaring mapagod sa paghihintay sa isang special someone. Kung wala siyang panahon sa iyo, tumi­ngin muna sa paligid bago ma-depress. Maaaring ikaw naman ang walang panahon sa iba. Lucky number for today: 19.

LEO (July 23-August 22) – May sakit na hatid ang kritisismo ng isang taong malapit sa iyo. Gayunpaman, nandito ang katotohanan. Kailangan mo lamang tanggapin at nang agad na maka­bawi. Lucky number for today: 38.

VIRGO (August 23- September 22) – Isang sitwasyon ang magpapaalala sa iyo na sa bawat pangyayari, may makikita pa ring positibo sa gitna ng natanggap na kabiguan. Dito ka magpokus at ‘wag sa negatibo para mas madaling ma­kabangon. Lucky number for today: 13.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Sa pagkakataong ito, sundin ang ligal na prosesong hindi pa dapat husgahan ang isang tao kung wala namang pruweba. Hintayin muna ang kanyang paliwanag. Lucky number for today: 23.

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa halip na patuloy maghintay sa isang tao, ikaw na ang maunang kumilos. May isang pagtatalo ang posibleng hindi na maiwasan. Lucky number for today: 55.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Minsan ang sobrang pag-iingat ang nagiging hadlang sa atin para gawin ang gusto natin. Sa pagkakataong ito, pagbigyan ang sarili at samantalahin ang oportunidad. Lucky number for today: 21.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Takot kang tanggapin ang isang pabor na inaalok sa iyo dahil sa magiging kapalit nito. Magtiwala sa taong nag-aalok ng tulong. Lucky number for today: 54.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kung kailangan mo pa ng dagdag na pruweba pagdating sa iyong kakayahan, makikita ito ngayon. Isang malaking hamon ang malalagpasan at kahit katunggali mo ay mapapa­hanga. Lucky number for today: 15.

PISCES (February 19-March 20) – Kung hindi agad nagtagumpay sa unang try, marami pang ibang opsyon na mabubuksan. Kailangan mo lamang maghintay. Lucky number for today: 27.

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy