Una sa Balita

Horoscope 06/02/2018

0 254

ARIES (March 21-April 19) – May gusto kang baguhin sa relasyon mo sa isang malapit na kaibigan. Maaring napapagod ka na sa supporting role mo sa inyong friendship. Dalawang bagay lamang ang puwedeng gawin: magtiis o magsalita na. Lucky number for today: 26

TAURUS (April 20-May 20) – May kaunting pagkalungkot at dahil ito sa isang indibidwal na hindi mo naimbita sa isang lakad. Hindi masamang mag-try ulit pero puwede namang maghanap na lamang ng ibang may panahon para sa iyo. Lucky number for today: 54

GEMINI (May 21-June 20) – Anumang nasimulang proyekto ay matatapos na ngayon. Bagama’t maraming stress ang pinagdaanan, ang lahat ay nakalipas na. Tandaan na lamang ang mga naiwang leksyon sa iyong karanasan. Lucky number for today: 48

CANCER (June 21-July 22) – Anumang sinumang kakumpe­tensya mo ay mauu­ngusan ngayon. Maging propesyunal sa lahat ng pagkakataon. Hindi rin masamang magpakumbaba sa gitna ng panalo. Lucky number for today: 39

LEO (July 23-August 22) – Kalmado para sa iyo ang araw na ito. Tapos na ang tensyon pero may isang munting isyu na hindi pa rin nawawala sa isip mo. Lucky number for today: 46

VIRGO (August 23- September 22) – Mas magiging madali para sa iyo ang araw na ito. Magaan ang pasok ng weekend. Sumama sa mga kaibigan at magrelaks. Deserve mo ang saya na hatid ng mga kaibigan. Lucky number for today: 45

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Iwasang magpaapekto sa opinyon ng iba kung ang pinag-uusapan ay ang sarili mong problema. Ikaw ang higit na nakakaalam ng sitwasyon, ikaw pa rin ang dapat masunod. Lucky number for today: 42

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa gitna ng mga negatibong pangyayari, tulungan mo ang sarili mo. Huwag magpatangay sa depresyon. Bigyan muna ng panahon ang pagrerelaks. Lucky number for today: 21

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May hatid na saya ang araw na ito. Posibleng may kinalaman ito sa isang phone call mula sa isang espesyal na indibidwal. Kung may pagkakataong makipag-date, gawin ito ngayong weekend. Lucky number for today: 58

CAPRICORN (December 22-January 19) – Makakaramdam ng pagkapagod. Bago tuluyang maapektuhan ang kalusugan, irelaks ang katawan at isipan. Mag-recharge para may lakas sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 26

AQUARIUS (January 20-February 18) – Hindi mo gusto ang anumang komprontasyon at mas malinaw ito ngayon. Maging ang iyong partner sa buhay ay iniiwasan mong makausap. Maging tapat at aminin sa kanya ang totoong nararamdaman. Lucky number for today: 57

PISCES (February 19-March 20) – Exci­ting ang mga pangyaya­ring may kinalaman sa isang namumuong romansa. Kung may commitment ka na, pag-isipan muna ito nang mabuti. Timbangin kung sino ang higit na matimbang sa puso. Lucky number for today: 39