Una sa Balita

Horoscope 06/01/2018

0 218

ARIES (March 21-April 19) – Ikaw ang dapat managot sa sarili mo. ‘Wag maging sunud-sunuran sa ibang tao sa lahat ng pagkakataon. May pagkakataong ikaw ang higit na nakakabatid kung ano ang mas mabuti para sa iyo. Lucky number for today: 55.

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi masamang mag-imbestiga muna bago ikonsidera ang sinasabi ng mga taong kaharap mo. Kailangang alam mo kung ano ang pinapasok mo. Alalahaning ikaw lamang ang maiipit kung magkakaroon ng bulilyaso. Lucky number for today: 56.

GEMINI (May 21-June 20) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kaya mong makakuha ng perfect na score. May pagkakataong nakakagawa ng mali. Ang kailangan lamang gawin ay itama agad ito. ‘Wag mapagod sa pagsisikap. Lucky number for today: 3.

CANCER (June 21-July 22) – Hindi na maibabalik ang takbo ng orasan. At kung kaya man, hindi mo na mababago ang isang nakatakdang mangyari. ‘Wag magpokus sa kasalukuyan sa halip ay tingnan mo ang posibilidad nito sa hinaharap. Lucky number for today: 55.

LEO (July 23-August 22) – May pagbabago sa relasyon at may pagbabago rin sa iyong mga prayoridad. May bagong posibilidad din na puwedeng mabuksan at kailangang hindi ito makalagpas. Lucky number for today: 20.

VIRGO (August 23-September 22) – Malakas ang pressure ngayon sa anumang pinagkakaabalahan mo. May nagtutulak sa iyo para magbigay ng mabilisang resulta. Kailangang doblehin ang pag-iingat, mas maraming pagkakamali kapag nagmamadali. Lucky number for today: 12.

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Sa halip na magpokus sa mga komplikasyon na hatid ng isang sitwasyon, magpokus na lamang sa kung ano ang iniwan nitong leksyon. Sa bawat pagkakamali, may mahalagang karanasang magagamit sa malayo pang hinaharap. Lucky number for today: 57.

SCORPIO (October 23-November 21) – Sa halip na patuloy na kumontra sa direksyong tinatahak, pagtuunan ng pansin ang excitement na hatid ng bagong karanasan. Kung magpopokus sa positibo, mas ma-e-enjoy mo ang nangyayari. Lucky number for today: 27.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isa sa mga plano mo na pinakamalapit sa iyong puso ang nakikitaan ng maraming butas. Gayunpaman, hindi ito dapat katakutan. Kailangan mo lamang gumawa ng ilang adjustment at magiging produktibo ito. Lucky number for today: 11.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Iwasang magpanik nang wala sa lugar. Ang inaakala mong malaking problema ay lilitaw na maliit na aberya lamang. Pag-aralan muna ang bawat anggulo at iwasang magbigay ng madramang reaksyon. Lucky number for today: 19.

AQUARIUS (January 20-February 18) – Nababasa mo kung ano ang iniisip ng isang taong malapit sa iyo. Kung pinipili niyang manahimik at magsikreto muna, irespeto ang kanyang desisyon. Iparamdam lamang na la­ging nasa kanya ang iyong suporta. Lucky number for today: 17.

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag nang ikagulat at ikasama ng loob ang pagkontrang natatanggap sa isang taong malapit sa iyo. Alalahaning ang pinagmumulan nito ay pagmamalasakit at hindi upang saktan at sirain ka. Lucky number for today: 55.