Una sa Balita

Horoscope 05/30/2018

0 249

ARIES (March 21-April 19) – Para magkaroon ng katuparan, siguraduhing solido ang pundasyon ng iyong mga inaambisyon. Hindi masamang maging mataas ang pangarap pero kailangan ding nakabase ito sa katotohanan. Lucky number for today: 25

TAURUS (April 20-May 20) – Kahit may pagdududa, bigyan pa rin ng pagkakataong makapagpaliwanag ang taong kaharap mo. Makabubuting panatilihing walang samaan ng loob dahil kakailangan mo uli siya sa mga susunod na panahon. Lucky number for today: 46

GEMINI (May 21-June 20) – Malaki ang ibinababa ng iyong self-confidence. May mga komplikasyon na hindi maiiwasan. ‘Wag mangamba, pansamantala lamang ang lahat ng ito. Lucky number for today: 49

Abante Hiring – IT dep

CANCER (June 21-July 22) – Maging praktikal kahit hindi naniniwala ang iba sa estratehiyang ginagamit mo. Mapapatunayan mo rin sa kanila na nasa iyo ang solusyong hanap nila. Lucky number for today: 31

LEO (July 23-August 22) – Maging realistic lalo na kung may pakikipagsapalarang gstong gawin. Hindi rin makatutulong kung lagi mong iisipin ang mga negatibo. Lucky number for today: 1

VIRGO (August 23-September 22) – Maaring maging mas emosyonal ngayong araw na ito kaysa karaniwan. Malaki ang magiging papel ng iyong pamilya sa anumang pinagdaraanan mo. Lucky number for today: 52

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Mabibigyan ka ngayon ng pagkakataon para sabihin ang gusto mo. Malakas din ang impluwensya mo sa mga taong nasa paligid mo. ‘Wag nang ipagpaliban ang planong pakikipag-usap sa isang partikular na indibiduwal. Lucky number for today: 17

SCORPIO (October 23-November 21) – Magagamit mo sa mga plano mo ang pagiging realistic mo. Mapapabilis din ang pagkuha sa isang matagal nang inaambisyon. Lakas ng loob lamang ang kailangan. Lucky number for today: 47

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Ikaw ang sentro ng araw na ito. Marami ang naniniwala na isa kang mahusay na lider. Huwag biguin ang mga taong ito. Lucky number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mabibigyan ka ng sapat na panahon para magpokus sa mga importanteng bagay ngayon. Wala munang distraksyon. Samantalahin ito para matapos ang mga naum­pisahan. Lucky number for today: 16

AQUARIUS (January 20-February 18) – Walang ibang opsyon ngayon kundi sabihin ang totoo. Panindigan kung anuman ang iyong pinaniniwalaan. Hindi na importante kung makumbinsi mo ang taong kaharap mo. Lucky number for today: 8

PISCES (February 19-March 20) – Kaila­ngan munang maghinay ng trabaho at career sa araw na ito. Mapopokus ka ngayon sa mga personal na isyu. Maaaring may kinalaman ito sa pamilya. Lucky number for today: 1