Una sa Balita

Horoscope 05/25/19

0 303

ARIES (March 21-April 19) – Kaila­ngan mong ma-realize na hindi mo kayang ipagsiksikan sa loob lamang ng maghapon ang lahat ng plano mo. Malamang na mauuwi lamang ito sa aberya. Makabubuting maghinay-hinay ngayon para mas marami kang magawa. Lucky number for today: 53

TAURUS (April 20-May 20) – Iwasang maliitin ang pananaw ng sinuman. Respetuhin ang bawat opinyon. Alala­haning hindi exclusive sa iyo ang mga brilliant na ideya. Sa pagkakataong ito, mas pinapaboran ang pananahimik. Lucky number for today: 14

GEMINI (May 21-June 20) – Iwasang maging masyadong seryoso sa mga gawain ngayon. Wag mo ring masyadong i-stress ang sarili mo. Mas marami kang magagawa kung relaks lamang ang approach mo sa lahat ng bagay. Lucky number for today: 21

CANCER (June 21-July 22) – Kailangang maging alerto dahil isa sa mga kasama mo sa trabaho ang maaari mong makabangga ngayon. Ang isang taong paulit-ulit na nagsasabing pagtiwalaan mo siya ay posibleng hindi dapat pagtiwalaan agad. Lucky number for today: 42

LEO (July 23-August 22) – Maaari kang ma­ging mas mapangahas ngayon kaysa karaniwan. Mas gusto mo rin ang pagsasaya kaysa seryosong trabaho. Hindi naman masamang pagbigyan ang sarili nga­yong weekend. Lucky number for today: 27

VIRGO (August 23-September 22) – Hindi mo kailangang pasayahin ang isang taong laging nagpapahirap sa iyo. Lalo mo lamang siyang ie-encourage na maliitin ka sa lahat ng pagkakataon. Iwasan na lamang magpakita ng anumang reaksyon at umiwas sa gulo. Lucky number for today: 32

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Kung may duda ka, sarilinin muna ito. Hindi maka­tutulong na magsalita ka agad kung wala ka namang hawak na pruweba. Pansamantala, manatiling nagmamasid. Lucky number for today: 16

SCORPIO (October 23-November 21) – Mahirap para sa iyo ang magdesisyon ngayon. Hindi lahat ng natatanggap mo ay nagpapasaya sa iyo. Iba pa rin ang tunay na sinasabi ng puso mo. Lucky number for today: 19

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang kasamahan sa trabaho ang kokontra sa mga plano mo. Maaaring hindi maiwasan ang pikunan. Pero wala kang dapat ipag-alala, magkakaayos din kayo bago matapos ang araw na ito. Lucky number for today: 36

CAPRICORN (December 22-January 19) – Mag-ingat sa mga sinasabi mo lalo na sa mga taong kailangan mo para maisulong ang iyong career. Hindi nila matatanggap ang anumang kritisismo mula sa iyo. Lucky number for today: 2

AQUARIUS (January 20-February 18) – Ang lahat ng sobra ay masama. Posibleng nakakaligtaan mo na ang iyong kalusugan sa gitna ng mga kaabalahan. Bigyan ng pahinga ang sarili. Lucky number for today: 12

PISCES (February 19-March 20) – May nararamdaman kang galit sa isang taong nasa mas mataas na posisyon. Iwasang iparamdam ito at lalong wag magkakamaling sabihin ang tunay mong iniisip. Gagawa ka lamang ng panibagong komplikasyon. Lucky number for today: 56

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy