Una sa Balita

Horoscope 05/21/19

0 242

ARIES (March 21 - April 19) – Anumang hindi pagkakaunawaan ay maaayos na lalo na kung may kinalaman ito sa isyung pamilya. Maraming­ dapat i-discuss at ito na ang tamang pagkakataon para makapag-heart-to-heart talk. Lucky number for today: 44

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi ito ang araw para magdahan-dahan o maghinay-hinay. Marami kang ideya at ngayon ang pagkakataon para subukan kung kaya mong magawa ang mga ito. Lakas ng loob ang kailangan. Lucky number for today: 58

GEMINI (May 21-June 20) – Kalimutan na ang sakit na iniwan ng mga kabiguan sa buhay. Sa halip maging positibo na lamang sa iyong future. Makakabawi ka na nga­yon kaya wala namang dapat katakutan. Lucky number for today: 33

CANCER (June 21-July 22) – May ilang pagkadismayang puwedeng mangyari ngayon hanggang sa susunod na araw. Pag-aralang mabuti ang mga ginagawa mo at siguraduhing nabibigyan ito ng ibayong atensyon para maiwasan ang mga aberya. Lucky number for today: 49

LEO (July 23-August 22) – Muli mong mapapatunayan na mahalaga ang loyalty. May kaila­ngan ka ring baguhin ang iyong attitude. Hindi masamang unahin muna ang kapakanan ng mga mahal mo ngayong araw na ito. Lucky number for today: 29

VIRGO (August 23- September 22) – May importanteng trabaho o misyon na kailangang gawin. Ibuhos dito ang iyong buong atensyon. Masusubok ang iyong kakayahan pati na ang iyong katatagan. Lucky number for today: 22

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May posibilidad ang pagbibiyahe. Kailangan mo ring testingin kung matatag ang iyong pakpak para sumubok sa mga bagong adventures ng buhay. Wala kang kailangang hintaying permiso. Lucky number for today: 17

SCORPIO (October 23-November 21) – Ang isyu ay nasa pakikipagrelasyon o sa isang partnership. Dapat resolbahin ito sa mahinahong paraan. Hindi makakatu­long ngayon na magpatangay sa iyong emosyon. Lucky number for today: 48

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Kailangan mong matanggap na hindi sa lahat ng pagkakataon ay ikaw ang masusunod. Ngayon at sa susunod na araw, kailangan mong mag-bow sa authority ng ibang tao. Nasa pakikisama ang susi. Lucky number for today: 26

CAPRICORN (December 22-January 19) – Gusto mo mang mag-umpisa ng isang bagong proyekto, meron ka pang kailangang tapusin. Hindi magandang magkaroon ka ng reputasyon na hindi mo tinatapos ang mga naumpisahan mo. Lucky number for today: 3

AQUARIUS (January 20-February 18) – Kaya mong harapin kahit sino at kaya mong manalo kahit sa tingin ng iba ay mas malakas ang nakakabangga mo. Sa pagkakataong ito, magtiwala lamang sa iyong sarili at hindi ka malilihis ng intensyon. Lucky number for today: 46

PISCES (February 19-March 20) – Doblehin ang iyong effort sa anumang ipinupursige mo. Medyo may mga balakid sa daan pero kung determinado ka ay kaya mo itong lagpasan. Kailangan mo ring resolbahin ang ilang isyu sa pagitan mo at ng ilang mahal sa buhay. Lucky number for today: 10

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy