Una sa Balita

Horoscope 05/20/19

0 338

ARIES (March 21-April 19) – Hindi mo kayang madaliin ngayon ang mga tao sa paligid mo at hindi rin sila puwedeng pilitin kung ayaw na nila. Alalahanin lamang na kahit maiwan kang mag-isa, makakaya mo itong ipagpatuloy. Hindi mo kailangan ang mga taong nagpapabagal lamang sa lakad mo. Lucky number for today: 6

TAURUS (April 20-May 20) – Importante ang pakikisama pero hindi ka mapipilit makisama sa mga taong sadyang hindi mo gusto. Ang ilang taong toxic sa buhay mo ay hindi karapat-dapat pagbuhusan ng anumang effort. Lucky number for today: 12

GEMINI (May 21-June 20) – Isang kasamahan na laging may inggit sa bawat tagumpay mo ang lalo pang magpapakita ng inis. Naghihintay lamang siya ng pagkaka­taon para umatake kaya manatiling nakaalerto sa lahat ng pagkakataon. Lucky number for today: 18

CANCER (June 21-July 22) – Iwasang magkaroon ng kaaway nang dahil lamang sa maliit na bagay. Ang isang sitwasyon ay maaaring nakakagalit lamang sa oras na ito pero ‘pag nagtagal nang konti ay mare-realize mong wala kang dapat ikagalit. Lucky number for today: 56

LEO (July 23-August 22) – ‘Wag maliitin ang iyong sarili. Ipakita sa lahat ng taong nakakasama mo na alam mo kung anong halaga mo at batid mo ang iyong kakayahan. Deserve mo ang kanilang respeto at pagkilala. Lucky number for today: 8

VIRGO (August 23- September 22) – Hindi mo kailangang magkunwari. Maging kuntento sa anumang meron ka nang hindi iniisip kung ano ang sa­sabihin sa iyo ng mga tao sa iyong paligid. Mas magiging masaya ka kung ikaw ay nagpapakatotoo. Lucky number for today: 12

LIBRA (September 23-October 22) – Maging mapagbantay sa iyong personal na buhay at sa trabaho. Kontrolin din ang paggastos. Maaari kang makagawa ng mga biglaang pagdedesisyon na maaari mong pagsisihan sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 35

SCORPIO (October 23-November 21) – Katiting lamang ang pasensya mo ngayon kaya mabuting kontrolin ang bugso ng emosyon. Maaaring makaapekto ang isang emosyunal na sitwasyon sa magiging lagay ng iyong aspetong pinansyal. Lucky number for today: 5

SAGITTARIUS (November 22- December 21) – Mukha kang kalmado kung titingnan pero sa loob ay nakakaramdam ka ng matinding emosyon. Ingatan ang mga sasa­bihin para makaiwas sa mga samu’t saring problema. Lucky number for today: 17

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung ini-expect mong magkakaroon ng problema, malamang na magkaroon nga. Importanteng manatiling positibo upang hindi mo mamagnet ang mga negatibong pangyayari. Lucky number for today: 51

AQUARIUS (January 20-February 18) – Iwasan munang magdesisyon ngayon pagdating sa iyong career. Isang bagay na na-overlook mo ang posibleng pagmulan ng aberya. Maghintay ng tamang pagkakataon. Lucky number for today: 24

PISCES (February 19-March 20) – Kung may plano kang uumpi­sahan ngayon, mahihirapan kang tapusin ito. ‘Wag munang mag-effort at maghintay ng tamang pagkakataon. Gayunpaman, manatiling alerto nang hindi nalalagpasan ng oportunidad. Lucky number for today: 19

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy