Una sa Balita

Horoscope 05/19/19

0 256

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang maipit sa drama ng ibang tao kahit pa sa mga kaibigan mo. Hindi masamang pakinggan ang kanilang mga hinaing pero wala kang dapat kampihan dahil ikaw ang posibleng maputukan ng lahat. Lucky number for today: 20

TAURUS (April 20-May 20) – Hindi lahat ay maihahanap agad ng paliwa­nag. May mga pangyayaring saka mo lamang ganap na mauunawaan sa malayo pang panahon. Pakinggan at ikonsidera kung ano ang sinasabi ng iyong kutob. Lucky number for today: 57

GEMINI (May 21-June 20) – Marami ka nang napagplanuhan kaya hindi na ito ang pagkakataon para umatras. Hintayin na lamang ang magiging resulta ng mga nailatag mong plano bago mag-isip ng mga kinakailangang adjustments. Lucky number for today: 12

CANCER (June 21-July 22) – Nasa iyo ngayon ang pressure at posibleng nagmumula ito sa mga taong nakakataas sa iyo ng posisyon. Manalig sa sari­ling kakayahan at itodo pa ang effort para hindi ma­dismaya sa resulta. Lucky number for today: 30

LEO (July 23-August 22) – Sa araw na ito at sa susunod pa, mapapatuna­yan mo kung sino ang mga totoong nagmamalasakit sa iyo. Sarilinin na muna ang ilang isyung personal at iwasang ibahagi ito sa lahat ng nakakausap mo. Lucky number for today: 22

VIRGO (August 23- September 22) – Isang admirer ang nagpaparamdam sa paligid. Kung wala ka pang commitment, hindi masamang ikonsidera ang taong ito dahil pareho kayo ng interes. Lucky number for today: 54

Related Posts

LIBRA (September 23- October 22) – Parating na ang lahat ng mga hinihintay mong positibong pangyayari sa iyong buhay. Hindi mo pa man ito nararamdaman, makikita mo na ito sa mga susunod na araw. Maging ang mga pakikipagrelasyon, lovelife man o pakikipagkaibigan ay pinapaboran. Lucky number for today: 19

SCORPIO (October 23- November 21) –Ang tulong na maibibigay mo sa mas nangangailangan ay mabibigyan ng mas malaking sukli. Magbubukas din ito ng mala­king oportunidad. Malapit man o hindi ang taong na­ngangailangan ng tulong, ‘wag magdalawang-isip sa pagbibigay. Lucky number for today: 34

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – ‘Wag nang pag-aksayahan ng panahon ang pag-iisip kung ano ang tunay na iniisip sa iyo ng ibang tao. Sa lahat ng lugar, hindi nawawala ang plastik. Mas bigyang halaga ang opinyon ng mga tunay na kaibigan. Lucky number for today: 37

CAPRICORN (December 22-January 19) – Kung kumbinsido kang hindi na talaga uubra ang isang naumpisahan mo, hindi masamang ikonsidera ang pag-atras at tumutok na sa isang bagong pagkakaabalahan. Ang lahat ng pagbabago ay hindi dapat katakutan. Lucky number for today: 20

AQUARIUS (January 20-February 18) –Ang isang relasyon masyadong na-stuck sa mga nagdaang araw ay muling sisigla. Marami kang nakikilalang interesting na indibidwal. Hindi rin masamang patuloy na umaktong lider dahil marami ang naniniwala sa iyong kakayahan. Lucky number for today: 11

PISCES (February 19-March 20) – May malaking development na mangyayari sa iyong buhay sa mga susunod na araw. Maaaring may kinalaman ito sa iyong social life. Hindi mala­yong mauwi ito sa isang bagong romansa para sa mga single pa lamang. Lucky number for today: 4

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy