Una sa Balita

Horoscope 05/18/19

0 231

ARIES (March 21-April 19) – Malapit mo nang makuha ang gusto mo kaya ‘wag nang maubusan ng pasensya. Iwasan ding masyadong maging agresibo sa iyong pakikiharap sa ibang tao. Hindi kailangan ng dagdag na kaaway. Lucky number for today: 53

TAURUS (April 20-May 20) – Lahat ng mga planong naisantabi ay puwede nang umpisahan ngayon. Ang lahat ng mga aberya ay natapos na. Mauunawaan mo na rin kung ano ang purpose ng mga pagkaantalang nangyari. Lucky number for today: 3

GEMINI (May 21-June 20) – Sa araw na ito, mas malakas ang iyong kakayahang maging impluwensiya sa iba. Kung may kailangan kang kumbinsihin, gawin ito ngayon at hindi ka mabibigo sa kanilang reaksyon. Panatilihin ang self-confidence. Lucky number for today: 58

CANCER (June 21-July 22) – Hindi mo kailangang mahiya kung may kailangan kang kausapin kahit pa ang mga taong hindi mo sadyang ka-close. Ang isang hindi inaasahang impormasyong matatanggap mo mula sa isang taong hindi mo naman kaibigan ang magpapabalik ng sigla sa iyong buhay. Lucky number for today: 45

LEO (July 23-August 22) – Hindi mo kailangang magpaalila sa ibang tao lalo na kung wala ka namang kompensasyon. Hindi kailangang maging Mr. Nice Guy sa bawat araw. Iba ang pagtulong at iba naman ang pagpapaabuso. Lucky number for today: 49

VIRGO (August 23-September 22) – Mas madali mong masasabi ang lahat ng saloobin mo sa araw na ito. Maaaring ilang tao ang hindi magugustuhan ang mga sasabihin mo pero walang choice kundi magpakatotoo. Paminsan-minsan ay hindi masamang ma­ging kontrobersyal. Lucky number for today: 4

LIBRA (September 23-October 22) – May tsansa ka ngayong baguhin ang isang sitwasyon para makakuha ka ng benepisyong karapat-dapat mo namang matanggap. ‘Wag mangiming magsalita para ipaglaban ang pinaniniwalaan mo. Lucky number for today: 49

SCORPIO (October 23-November 21) – Kung meron kang magandang ideya, sari­linin muna ito sa kasalukuyan. Kahit gusto mong mag-share sa iba, hindi ito ang tamang pagkakataon. ‘Wag mong bigyan ng tsansa ang ibang tao na maagawan ka. Lucky number for today: 27

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – May maririnig kang hindi maganda sa iyong pandinig. Iwasang ituring itong personal upang hindi gaanong masaktan. Sa halip na magdamdam, gamitin ito para makagawa ng kinakailangang adjustment. Lucky number for today: 32

CAPRICORN (December 22-January 19) – Pinapaboran ngayon ang pakiki­pagkomunikasyon. Mas madali mo ring makuha ang tiwala ng ibang tao at makumbinsi sila sa iyong pananaw. ‘Wag lamang magsayang ng oras sa mga maliliit na isyu at magpokus sa mga prayoridad mo. Lucky number for today: 38

AQUARIUS (January 20-February 18) – Marami kang ini-expect at karamihan ay hindi mo makukuha ngayon. Kailangan mong magpalit ng plano sa mga susunod na araw. Tanggapin din na meron kang limitasyon. Lucky number for today: 35

PISCES (February 19-March 20) – Kilala mo kung sino-sino ang dapat pagkatiwalaan. ‘Wag nang magpaulit-ulit sa pagkakamali. Move on na. Hindi na ito ang oras para ma­ging emosyunal. Lucky number for today: 31

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy