Una sa Balita

Horoscope 05/17/2018

0 287

ARIES (March 21-April 19) – Ang pagkakaiba ng opinyon sa pagitan mo at ng isang indibidwal ay maaaring makasira ng iyong araw. Kahit pakiramdam mo ay tila sinasadya ng taong ito na kalabanin ka, ‘wag na lamang pumatol. Mapapatunayan din ng lahat na ikaw ang tama. Lucky number for today: 48.

TAURUS (April 20-May 20) – Posibleng masyado kang napopokus sa isang maliit na bagay kaya naman nalalagpasan ka na ng mas malala­king bagay. Idistansya muna ang sarili para mas makita mo ang lahat ng nangyayari. Lucky number for today: 42.

GEMINI (May 21-June 20) – Isang tao na malapit sa iyo ang may dapat matutunan at sa pagkakataong ito, hindi paborableng makialam ka. Hayaan mo siyang matuto sa sarili niyang karanasan pero patuloy na iparamdam na nariyan ka lamang para gumabay. Lucky number for today: 17.

CANCER (June 21-July 22) – Pansamantalang lumayo sa iyong comfort zone. Mas marami kang matututuhan kung susubukan mo ang mga bago. Lucky number for today: 53.

LEO (July 23-August 22) – Masyado mong sineseryoso ang bawat responsibilidad. Dahil dito, posibleng lalo mo lamang pinapahirap ang isang gawain na kaya namang idaan sa simpleng paraan. Iwasan ding maging emos­yonal. Lucky number for today: 13.

VIRGO (August 23- September 22) – May karapatan kang magbago ng isip. Pero kailangang alam mo kung bakit kailangan mo itong gawin. Huwag matakot na lumihis sa nakagawian. Lucky number for today: 41.

LIBRA (September 23-October 22) – May pagkakaiba-iba ng opinyon kaya hindi naman masamang makipagdebate tungkol sa iyong paniniwala. Pakaiwasan lamang na makasakit ng damdamin ng taong mahalaga sa iyo. Piliin ang mga sinasabi. Lucky number for today: 52.

SCORPIO (October 23- November 21) – Mahirap para sa iyo ngayon ang ipaunawa sa taong malapit sa iyo kung bakit may kailangan kang gawin kahit labag sa kanyang kalooban. Manatili sa iyong pinaninindigan at sa bandang huli ay matatanggap din niya kung bakit kailangan mo itong ipaglaban. Lucky number for today: 39.

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi lahat ng kumikinang ay ginto. Ganito rin ang dapat mong isipin sa isang taong sa unang tingin ay tila malakas ang dating sa iyo. Kilatisin muna siyang mabuti para wala kang pagsisihan. Lucky number for today: 48.

CAPRICORN (December 22-January 19) – Hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang magpakontrol ka sa taong mahal mo. May mga bagay na kailangan mo ring panindigan. Ipaunawa ito sa kanya habang maaga. Lucky number for today: 20.

AQUARIUS (January 20-February 18) – May pagkakataong nararamdaman mong masyadong nagiging unfair ang mga pangyayari para sa iyo. Pero kung susuriin mong mabuti ang iniiwan nitong leksyon sa buhay mo, ipagpapasalamat mo pa ang lahat dahil dito ka mas nagiging matatag. Lucky number for today: 27.

PISCES (February 19-March 20) – ‘Wag munang magbilang ng sisiw. May isang sitwasyon na masyadong pabago-bago kaya hindi pa uubrang magbigay ng maagang konklusyon. Manatiling nagmamasid at laging handa sa anumang pangyayari. Lucky number for today: 29.