Una sa Balita

Horoscope 05/17/19

0 192

ARIES (March 21-April 19) – Iwasang maging masyadong possessive. May mga bagay at pangyayari o kaya’y mga tao na kailangan mong i-share sa iba. ‘Wag mong angkinin ang mga kaibigan mo upang hindi sila masakal sa iyo. Lucky number for today: 21

TAURUS (April 20-May 20) – Nasa mood ka ngayon para maki­paghalubilo sa mara­ming tao pero ‘wag sob­rahan. Hindi lahat ng humihingi sa iyo ng pabor ay kailangan mong pagbigyan. Iwasan ding pagurin ang sarili. Lucky number for today: 3

GEMINI (May 21-June 20) – May bahag­yang paghina ng enerhiya at pansamantalang pagkalungkot. Hindi ito dapat ikabahala, magbabalik sa normal ang lahat sa mga susunod na araw. Lucky number for today: 55

CANCER (June 21-July 22) – Magandang araw ito para sa iyo. Alam mo kung ano ang gusto mong gawin at kung paano ito gawin. Mahirap kang pigilan sa mga plano mo ngayon. Lucky number for today: 19

LEO (July 23-August 22) – Kailangan mo ring tingnan kung ano ang mga nagawa mo. Balikan ang mga nangyari sa nagdaang ilang araw. Marami kang matututunan at magagamit ito sa mga susunod pang araw. Lucky number for today: 42

VIRGO (August 23- September 22) – Masyadong maigsi ang buhay para magpokus sa iniisip ng mga tao sa iyo. Gawin ang nais mo nang hindi nag-iisip ng reaksyon ng iba. Magpakatotoo sa sarili. Lucky number for today: 32

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – May malaking hamon na nagmumula sa isang taong itinuturing kang karibal. Ayaw mo mang makipagkumpetensiya pero wala kang ibang opsyon kundi ang suma­bay. Lucky number for today: 5

SCORPIO (October 23-November 21) – May mga pagbabagong hindi mo mapipigilan. ‘Wag itong katakutan. May paraan para harapin ang lahat. Alalahanin na takot ang u­nang magpapabagal sa iyo. Lucky number for today: 40

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Isang kaibigan ang may inililihim at ito’y dahil natatakot siyang hindi mo mai­ngatan ang kanyang sikreto. Unawain na lamang siya at huwag nang ikasama ng loob. Hayaang maging pribado ang ilang impormas­yon. Lucky number for today: 12

CAPRICORN (December 22-January 19) – Pinapaboran ngayon ang anumang partnership at pakiki­pagrelasyon. Hindi naman paborable maging sobrang demanding. Kailangan ngayon ang pakikipagkompromiso. Lucky number for today: 50

AQUARIUS (January 20-February 18) – May matinding pressure ngayon. Pero ito rin ang magbibigay sa iyo ng lakas at inspirasyon para lalong tumutok at magbuhos ng iyong siyento por siyentong effort. Lucky number for today: 17

PISCES (February 19-March 20) – Wala ka nang maidadahilan pa ngayon. Gawin ang dapat gawin at umasang malulusutan ang lahat ng hamon. Seryosong effort ang kailangan. Lucky number for today: 21

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy