Una sa Balita

Horoscope 05/16/19

0 203

ARIES (March 21-April 19) – Balansehin ang iyong responsibilidad sa pamilya at sa iyong career. Iwasang magkaroon ng conflict na maaring pagmulan ng hindi pagkakaunawaan. Kung sa trabaho ay inaa­sahan ka ng mga kasamahan mo, sa loob ng bahay ay inaasahan ka naman ng pamilya mo. Lucky number for today: 1

TAURUS (April 20-May 20) – May mga taong sadyang hirap magdesisyon at maaring sila rin ang pagmulan ng pagkaantala ng ilang plano mo. Kailangan mo ring magdesisyon kung dapat pa silang hintayin o mag-umpisa ka na lamang nang wala sila. Lucky number for today: 13

GEMINI (May 21-June 20) – Isang desisyon na may kinalaman sa iyong pinansyal na sitwasyon ang kailangan ngayon. Makatutulong din kung kokontrolin ang mga paggastos. Kalimutan muna ang luho. Lucky number for today: 23

CANCER (June 21-July 22) – Maaari kang masabak sa pakikipagdiskusyon ngayon. Kahit anong gigil, walang mananalo sa argumento kung uunahin niyo ang emosyon. Kailangan ang pakikipagkompromiso para maiwasan ang samaan ng loob. Lucky number for today: 5

LEO (July 23-August 22) – Kung may nagawang pagkakamali, kailangan tanggapin. Wala namang perpekto. Gamitin ang nangyari para magamit sa mga susunod pang pagkakataon. Lucky number for today: 58

VIRGO (August 23-September 22) – Kung napapasabak ka sa mainitang diskusyon, tiyakin na hindi mawawala sa kontrol ang pagbibigay ng mga katuwiran. Iwasang mapikon at iwasan ding makapagsalita ng masasakit dahil mahihirapan kang ayusin ang gusot kapag umabot ito sa personalan. Lucky number for today: 16

Related Posts

LIBRA (September 23-October 22) – Limitado lamang ang opsyon mo ngayon. Magkakaroon ng dramatic na pagbabago sa mga susunod na araw kung saan magkakaroon ka na ng pagkakataong gawin ang gusto mo. Lucky number for today: 57

SCORPIO (October 23-November 21) – May madidiskubre kang ikadidismaya mo. Linawin agad ito sa mga kinauukulan. Importante ang idinidikta ng iyong konsensya. Lucky number for today: 12

SAGITTARIUS (November 22-December 21) – Hindi ka kailangang lumayo pa para maghanap ng kinakailangan mong pag-alalay. Isa sa mga kaibigan mo ang nag-aalok ng payo, kailangan mo lamang ikonsidera ang kanyang rekomendasyon. Lucky number for today: 20

CAPRICORN (December 22-January 19) – May pagkakataong sadyang mahirap magpatawad at ganito ang sitwasyon mo ngayon. Linawin lamang kung ano ang ikinasama ng loob mo at tiyaking hindi na niya ito puwedeng gawin sa iyo. Lucky number for today: 8

AQUARIUS (Janua­ry 20-February 18) – ‘Wag nang magsa­yang ng oras sa pag-iisip ng mga dahilan. May sitwasyong sadyang mahirap ipaliwanag. Kailangan mo lamang itong ipatanggap sa mga kinauukulan. Lucky number for today: 30

PISCES (February 19-March 20) – Ayaw mo mang ipakita na hindi ka sumasang-ayon,­ mahirap itago ang iyong nararamdaman. Kapag prinsipyo na ang nakataya kailangan mo nang magsalita. Lucky number for today: 56

This website uses cookies to improve your experience. We'll assume you're ok with this, but you can opt-out if you wish. Accept Read More

Privacy & Cookies Policy